Sunday, January 31, 2016

Ang ilusyon ni Shyla Gomez

Ngayong Enero 31, 2016 ay nag-post ng comment si Shyla Gomez sa aking FB page. Narito ang kaniyang comment:


Marahil ito ay reaksiyon niya sa aking naunang post na may pamagat na Unmasking Antonio Ramirez Ebangelista (Part 02).


Anyway, bukod sa aking sagot sa post niya, nais kong mapansin ninyo ang sinabi ni Shyla Gomez na “hindi kine-claim ng magkapatid but it’s undeniable fact na isa sa kanila ang may basbas as TP.”

So, ang ibig bang sabihin ni Shyla ay kine-claim na ng magkapatid na isa sa kanila ay may basbas as TP? Bago ang lahat, pwede kayang marinig o mapanood ang “claim” na ito ng magkapatid para masuri namin? At dahil sa si Shyla ang isa sa masugid na tagapagpalaganap ng ilusyong ito, maaari bang siya ang maglabas nito.

Isa pa, sana ay napansin din ninyo na maingat si Shyla na hindi pinangalanan kung sino sa magkapatid ang nag-“claim” na may basbas siya as TP. I could only guess why. Kasi pag sinabi niyang si Marc, malamang na magalit ang kampo ni Angel at vice-versa.

Akala ko titigil na siya sa kaniyang ilusyon nang sabihin kong:

“Pakibasa uli post ni Antonio Ebanghelista na kadefender mo. Tanggap ni AE na si Ka EVM ang pinili na maging TP. What say you?”

Guess what? Ano ang sagot niya rito?



“Acting ang ibig sabihin ni ka AE. Hindi legal kasi nga wala pang claim yung magkapatid.”

May dalawa pa siyang post na kasunod nito. Ang isa ay may kinalaman sa 2 bilyong utang at ang iba pa ay puro paninira na lang kaya binura ko na lang mula sa aking FB page.

Ang sabi niya ay may 2 bilyong utang daw ang Iglesia. Kinupit kaya niya ang 5.5 bilyon pang utang daw ng Iglesia na sinasabi ni Sher Lock? O ibang bersiyon na naman ito ni Shyla? Alam kong magpapalusot na naman siya at sasabihin sa isang bangko lang daw ang utang na 2 bilyon. Gayunpala, bakit hindi niya sinabi? Isa pa, maninira din lang siya, bakit ang sinabi niyang utang daw ng Iglesia ay ang mas mababa (2 bilyon) sa halip na ang mas mataas (5.5 bilyon)? Refer to my previous post na may pamagat na

“Bangkarote ba ang Iglesia Ni Cristo?” tungkol sa isyung ito:

 

 
Balik tayo sa sagot ni Shyla tungkol sa sinabi ni Antonio Ebangelista (A.E.). Ano kaya ang isasagot ni A.E. sa paliwanag na ito ni Shyla? Sinangguni nga ba niya si A.E. at ito ang isinagot sa kaniya na “acting” TP lang si Kapatid na Eduardo V. Manalo? O pinangahasan ni Shyla na i-interpret ang nauna nang binitiwang salita ni A.E. para huwag lumitaw na kinokontra niya ito?

  
Narito uli ang post ni A.E.:




Shyla, sino ang bulag o kahit man lang malabo ang mata? Hindi ba ikaw? Kay linaw ng banggit tungkol sa “pinakamamahal naming Kapatid na Eduardo V. Manalo” na siya ang “piniling lider ng Iglesia.” Nasa diyan yung “acting” na sinasabi mo?

 
Narito pa, Ms. or Mr. Shyla. Makikita mo itong malinaw kung hindi ka “bulager”:



Ito ay hango sa blog post ni Antonio Ebangelista na may pamagat na “OPEN LETTER SA LAHAT NG MGA MINISTRO SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO” na inilathala noong November 25, 2015.

Dalawa ang mahalagang puntos dito. Ang sabi ni A.E.:
 
Ipinagkakalat ninyo na isinusulong namin na ang totoong Tagapamahalang Pangkalahatan diumano ay ang Ka Marc Manalo at ang dapat sana na General Auditor ay ang Ka Angel Manalo?

 

(1)  Mr. Antonio Ebangelista, kasinungalingan ang sinasabi mong kami ang nagpapakalat na ang totoong Tagapamahalang Pangkalahatan diumano ay si “Marc Manalo”. Ayan si Shyla na isa sa mga masugid na tagapagpakalat nito at kasama niya sa kaniyang ilusyon na ito sina Lito Fruto, Gate Keepers of the Flock (a.k.a. Anatole Helios), at marami pang iba na ahente niya ng tsismis.

(2)  Ms. or Mr. Shyla, ang sabi ni A.E. “Tatapusin ko na ang katha-kathang isipan na iyan. Wala pong katotohanan iyan. Ni minsan ay hindi po nila isinulong ang bagay na iyan at wala po silang ambisyon na man-agaw ng kapangyarihan.”

 

Ano ka ngayon? Basahin mo kasi muna ang mga posts ni A.E. bago ka mag-comment para hindi mo kinokontra ang “bossing” mo. Kung sasabihin mong hindi mo siya “bossing” bakit hindi mo hayagang sabihin na siya ay mali sa mga sinabi niyang ito? Bakit hindi mo siya tawaging “bulager”?

 
Lastly, pakisindihan mong muli ang utak mo Shyla para makita mo ito. Ito naman ay hango sa blog post ni Antonio Ebangelista na may pamagat na “ANG URI NG KAPATID NA SUMISIRA SA PAGKAKAISA NG IGLESIA NI CRISTO” na inilathala noong May 13, 2015:




“Sapagkat wala naman nagsasabing hindi karapatdapat ang Ka Eduardo sa pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan, wala din namang nagsasabing sana iba na lang ang Tagapamahalang Pangkalahatan, kung meron man ay tiyak na hindi naman iyon ang isyu at isolated case lang iyon kung meron man.”

Correction Mr. A.E., itong ka-defender mo na si Shyla ang nagsasabing hindi raw karapatdapat ang Ka Eduardo sa pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan. Si Shyla rin ang nagsusulong ng ibang Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi talaga sana isyu iyon pero ginawang isyu ni Shyla. Hindi rin isolated case iyon sapagkat maraming kasama si Shyla na ahente niya ng tsismis.

 
So, Mr. A.E., ano ang gagawin mo kay Shyla at sa kaniyang cohorts at fellow bulagers? Hindi mo pa ba sila i-u-unfriend? Hindi mo pa ba sila sisipain palabas mula sa inyong grupo ng mga Iglesia Ni Cristo Defenders daw? Silent No More ka pa rin ba sa isyung ito na ikinakalat ni Shyla?

 
At kay Shyla, hindi mo ako masisisi kung i-block kita kasi hindi maganda ang iyong sinasabi sa Iglesia at sa aming Tagapamahalang Pangkalahatan. Ayoko ko kasing mabalahura mo ang aking FB page at doon ka magkalat ng mga recycled na kasinungalingan. Kaya huwag mong gawing isyu kung bakit “blocked” ka sa akin.

 
Huwag kang mag-alala, marami pa akong ilalantad na salungatan ninyong mga nagpapanggap na Iglesia Ni Cristo Defenders.

 
Hanggang dito na lang muna.

 

Lowell Menorca: Ang Sagot

“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.