Simple
lang ang tanong ni Ka Marlex Cantor kay Sebastian Rauffenburg (S.R.) pero
pansinin ninyo na dalawang ulit na iniwasan niya itong sagutin. Tatlong salita
lang ang kailangan – tig-isa sa bawat tanong: Yes or No. Sinabi pa ni S.R. na “Yes,
you are correct. I can easily answer those questions.” Pero sinagot ba niya?
Hindi. Ang dami niyang salitang ginamit, mahigit 100 subalit natapos at
natapos, wala siyang sagot.
Para
sa mga hindi nakabasa ang tanong ni Ka Marlex ay:
Sa
Filipino:
1. Kaanib ka ba o naging kaanib
ng Iglesia Ni Cristo (INC) na ipinangaral ni Kapatid na Felix Y. Manalo?
2. Naniniwala ka ba na si
Kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw?
3. Maliligtas ba ang mga
Protestante na tumangging umanib sa Iglesia Ni Cristo na ipinangaral ni Kapatid
na Felix Y. Manalo?
Madali
lang sagutin, hindi ba? Kahit dating kaanib ng INC ay masasagot ito nang
mabilis. Pero bakit hindi niya sinagot? Bakit kinampihan agad siya ng dalawang
nag-post ng comment na wala raw kinalaman sa topic ang tanong ni Ka Marlex at
pinaratangan pa si Ka Marlex na unprofessional?
Kasi
itong si Sebastian Rauffenburg ay isang Protestante na nakikisakay sa mga
tiwalag sa ginagawa nilang paninira sa INC. Sila Lito Fruto naman, Nelson
Maranan at marami pang iba ay dampot nang dampot sa posts ni S.R. kahit ibang
ebanghelyo na ang itinuturo kasi nakahanap sila ng kakampi. Sabagay, hindi ito kataka-taka.
Kaalyado nga nila ang mga taga Ang Dating Daan, Catholic Defenders at iba pang
mas naunang natiwalag (sa panahon pa ni Ka Erdy gaya nina Rovic “Sher Lock”
Canono at Grace “Benito Affleck” Hernandez) sa paninira sa Iglesia.
Hindi
ba interesado sina Fruto & Co. na malaman kung sino si S.R. at kung anong
relihiyon niya? O hindi na bale hangga’t ang sasabihin niya ay laban sa Iglesia?
Ano uli yung kasabihan? “The enemy of my enemy is my friend.”
Pilitin
natin si S.R. na sagutin niya ang mga simpleng tanong ni Ka Marlex.
Sa
susunod ay ipakikita ko kung bakit mahalaga ang tanong ni Ka Marlex at kung ano
ang kinalaman niyon sa sagot sa unang tanong ni S.R. Hindi totoo na walang
kinalaman iyon sa topic na pinag-uusapan.
Abangan.
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.