Monday, January 25, 2016

Unmasking Antonio Ramirez Ebangelista (Part 01)

Sa artikulong may pamagat na LET ME MAKE MYSELF CLEAR…, na inilathala ni Antonio Ramirez Ebangelista (A.E.) noong Abril 27, 2015 sa kaniyang blog ay sinabi niyang:


“Ang mga FB Friends ko dito na maaaring nagsasagawa din ng kanilang sariling mga paghahayag ng katotohanan, ay hindi ko po mga kasamahan, hindi ko rin po sila kilalang personal at hindi rin po nila ako kilalang personal. Iisa tayong lahat sa paninindigan, magmamalasakit sa mga kapatid at sa Iglesia, sa paghahangad na maingatan ang Tagapamahalang Pangkalahatan, na maingatan ang Pamilya ng Ka Erdy at maihayag ang mga taong tampalasan sa layunin na maibalik ang Iglesia sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan. Sa mga bagay na ito ay kaisa ninyo akong lahat.”

“SUBALIT… oras na maiba na po ang inyong paninindigan o reaksyon sa mga bagay na aking inihahayag, diyan na po tayo MAGHIHIWALAY NG LANDAS.”

Alam ba ninyo na ang mga salitang ito ay puro hangin lang—walang laman.

Patunayan natin.

Nota: Kulang ang isang artikulo para rito kaya matiyaga sana ninyong sundan ang mga sunud-sunod na ipalalabas kong artikulo. Basta tandaan ninyo ang nagtapang-tapangang pahayag ni Antonio Ebangelista na:

“SUBALIT… oras na maiba na po ang inyong paninindigan o reaksyon sa mga bagay na aking inihahayag, diyan na po tayo MAGHIHIWALAY NG LANDAS.”

Ano ang isa sa mga inihayag ni Antonio Ebangelista doon sa kaniyang artikulo na “LET ME MAKE MYSELF CLEAR…”?:
 

“Hindi po ako manghihikayat sa kaninoman na huwag sumamba, o huwag maghandog, o huwag magtanging handugan o mag-lingap. Sapagkat ito ay mga sagradong aral na ating tinanggap at hindi kailanman maitutuwid ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali.”

Ang mahalagang tanong ay ito, ano naman kaya ang ipinanghihikayat ng mga FB friends ni Antonio Ebangelista?




Si Cora Cu Tin ay FB friend ni Antonio Ebangelista. Ang sabi niya:
 

Stop abuloy
Stop bloc voting
Stop going to pagsamba that are propaganda venues

Samakatuwid, sinlinaw ng kristal na iba ang paninindigan at inihahayag ni Cora Cu Tin kaysa kay Antonio Ebangelista.

A.E., ano ang sinabi mo na gagawin mo sa oras na maiba sa iyo ang paninindigan ng iyong mga FB friends?

“SUBALIT… oras na maiba na po ang inyong paninindigan o reaksyon sa mga bagay na aking inihahayag, diyan na po tayo MAGHIHIWALAY NG LANDAS.”

Tanong: Naghiwalay na ba kayo ng landas ni Cora Cu Tin? Bakit hanggang ngayon ay FB friend mo siya? Unaware ka na friend mo siya? Unaware ka na may sinabi siyang gayon? SINUNGALING!

Bulaklak lang ng kamay ang isinulat mo para ipakitang nagtatapang-tapangan ka. Tingnan natin kung i-unfriend na ni Antonio Ebangelista si Cora Cu Tin para matupad ang sinabi niyang sila ay maghihiwalay ng landas.

Many more to come!

See you soon!

 
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
 


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.