Salamat
po at sinamahan ninyo ako hanggang sa huling bahagi ng aking serye na may
pamagat na “Sulyap sa Hinaharap.” Ang pagtitiyaga ninyong ito ay mahalaga.
Kung
ang huling bahaging ito agad ang nabasa ninyo, nakikiusap akong basahin ninyo
ang mas naunang bahagi nito sapagkat doon ay isa-isang tinalakay ang dilemma na
kinakaharap ng mga itiniwalag na lumaban sa Pamamahala gaya ng sumusunod:
Unang
Bahagi - Ang Hinaharap ng Iglesia Ni Cristo
Ikalawang
Bahagi – Tungkol sa bautismo (may bukod bang bautismo ang mga tiwalag)
Ikatlong
Bahagi – Tungkol sa paghahandog ng sanggol (may bukod bang paghahandog ng
sanggol ang mga tiwalag)
Ikaapat
na Bahagi – Tungkol sa PNK (may bukod bang PNK ang mga tiwalag)
Ikalimang
Bahagi – Tungkol sa pagpapakasal (may bukod bang pagkakasal ang mga tiwalag)
Ikaanim
na Bahagi – Tungkol sa Sta. Cena (may bukod bang Sta. Cena ang mga tiwalag)
Ikapitong
Bahagi – Tungkol sa ordenasyon (may bukod bang ordenasyon ang mga tiwalag)
Ikawalong
Bahagi – Konklusyon at Panawagan
Naalaala
ko ang sinabi ni Ka Erdy na sa pagbuo ng plano, ang dapat munang isipin ng
nagpaplano ay ang pinakadulo nito (end-result).
Naisip
kaya ng mga nagplano ng paninira at paglaban sa Pamamahala ng Iglesia ang end-result ng kanilang ginawa?
Naisip
rin kaya nila na hindi isusuko ng Pamamahala ang kanilang karapatan dahil
lamang sa paninirang inihasik sa social
media ng mga tiwalag na ito?
Naisip
kaya nila na dahil sa mga isyu na hindi nila maiiwasang harapin na isa-isang
tinalakay sa serye na ito ay wala silang ibang magagawa (recourse) kundi ang magtayo
ng bukod na iglesia o ang magbalik-loob?
Nais
kong manawagan sa inyong lahat na nakabasa nito. Kung nakikita ninyong “eye
opener” ang lahat ng binanggit kong ito, higit sa pagla-like at pagbibigay ninyo ng comment,
makikiusap akong i-share ninyo ito sa
lahat ng friends ninyo at ipa-share ninyo sa mga friends nila.
Kung
maaari ninyo itong i-post sa facebook pages ng mga nagpapakilalang
INC defenders ay gawin ninyo para maagapan ang mga nasa pag-aalinlangan at
mapanumbalik naman ang nahiwalay lalo yaong nagpakabigla lamang o nadala ng
simpatiya.
Itinuro
ni Apostol Santiago ang kahalagahan na mapanumbalik natin ang mga naligaw:
“Mga
kapatid ko, kung ang sinuman sa inyo ay naliligaw mula sa katotohanan, at
siya'y pinapanumbalik ng sinuman, dapat niyang malaman na ang nagpapanumbalik
sa isang makasalanan mula sa pagkaligaw sa kanyang landas ay magliligtas ng
kaluluwa mula sa kamatayan, at magtatakip ng napakaraming kasalanan” (Sant.
5:19-20 ABAB).
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.