Sinasabi nila na kapag “One with EVM” ka, hindi ka raw kaisa ng Diyos at ni Cristo. Sinasabi nilang sa panahon ni Ka Felix at ni Ka Erdy ay wala namang mga salitang “One with FYM” o “One with EGM.” Bakit daw ngayon ay may pinapausong “One with EVM”?
Para sa kaalaman ng lahat (maging ng hindi namin kapatid sa INC), ang EVM ay inisyal ng buong pangalan ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan Ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo Villanueva Manalo.
Kaya, simple lang ang kahulugan kapag sinabing I am o We are “One With EVM”—“kaisa ako” o “kaisa kami” ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan.
Bagong bagay ba o kaya’y pauso ang ipahayag namin na kaisa kami ng aming Namamahala? Hindi. Maging ang mga Israelita sa panahon ng Pamamahala ni Nehemias ay ganito ang ipinahayag:
28Kami, ang buong bayan ng Israel, mga saserdote, mga Levita, mga bantay, mang-aawit, mga manggagawa sa templo; kaming mga lumayo sa mga dayuhan sa aming lupain dahil sa pagsunod sa Kautusan ng Diyos, pati ang aming asawa’t mga anak na pawang may sapat na pag-iisip 29ay nakikiisa sa aming mga kapatid na namamahala sa amin, at may pagsumpang nangangako na tutuparin ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Susundin namin ang lahat ng tuntunin at utos ni Yahweh na aming Diyos (Neh. 10:28-29 MB).
Ano ang katumbas nito sa salin ng Biblia sa Ingles?
28And the rest of the people, the priests, the Levites, the door-keepers, the music-makers, the Nethinim, and all those who had made themselves separate from the peoples of the lands, to keep the law of God, their wives, their sons, and their daughters, everyone who had knowledge and wisdom; 29They were united with their brothers, their rulers, and put themselves under a curse and an oath, to keep their steps in the way of God's law, which was given by Moses, the servant of God, and to keep and do all the orders of the Lord, our Lord, and his decisions and his rules (Neh. 10:28-29 BBE).
Ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay talagang KAISA NG MINISTRONG BINIGYAN NG DIYOS NG PAMAMAHALA AT NG KARAPATANG MAGPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS (Col. 1:25).
Paano ngayon ang mga tisod sa pagiging “One with EVM”? Katunayan lamang iyon na hindi sila tunay na lingkod ng Diyos.
Paano naman ang sinasabi nila na kapag “One with EVM” ka, hindi ka raw kaisa ng Diyos at ni Cristo? Ang mga nagsasabi niyon ay sadyang pinapagdilim na ng Diyos. Hindi na nila makita ang liwanag ng aral na nakasulat sa Biblia:
Napansin ba ninyo ang sinabi ni Apostol Juan na isa sa mga namahala sa Iglesia noong unang siglo? Sinabi niyang, “you may be united with us.” Kapag “united” ba sa kanila na namahala sa Iglesia ay hindi na “united” sa Diyos at kay Cristo? Ang sabi pa ni Apostol Juan, “we are united with the Father and with his Son Jesus Christ.”
Ayon sa diksyunaryo, ano ang katumbas na salita ng salitang “united”?
Ang kahulugan ng salitang “unity” ay “the quality or state of being one” (Merriam Webster Online, emphasis mine). Ang diksyunaryo na aming sinipi ay ginamit lang naming reperensiya at hindi siyang batayan ng aming pananampalataya. Ito ay para lamang ipakita na ang katumbas ng “UNITED with US” ay “ONE with US” na tumutukoy sa Namamahala.
Kaya naman, nang isalin 1 Juan 1:3 sa saling Pilipino ay ganito ang isa sa mga pagkakasalin nito:
3Siya na aming nakita at narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesucristo (Bible’s International).
Isang napakalaking kahangalan na sabihin ng sinumang kaanib na “basta ako, hindi ako One with EVM” kundi “one with God” at “one with Christ” lang ako. Ito ay sapagkat hindi maaari na ang tao ay maging kaisa ng Diyos at ni Cristo kung hindi siya kaisa ng Namamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia Ni Cristo.
Ito ay malinaw na katunayan na ang mga natiwalag na lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ay hindi maaaring maging kaisa ng Diyos at ni Cristo. Kung hindi sila kaisa ng Diyos at ni Cristo, wala silang kaugnayan sa Kanila kaya lahat ng ginagawa nilang pagsamba ay mawawalan lamang ng kabuluhan. Hiwalay sila kay Cristo. Wala silang Diyos at walang pag-asa sa kaligtasan.
12Hiwalay kayo noon kay Cristo at hindi kabilang sa Israel. Wala kayong bahagi sa tipan at pangako ng Dios sa kanila. Wala kayong Dios o pag-asa sa kaligtasan (Efe. 2:12 Salita ng Buhay).
Kaya kung tatanungin ninyo ako, ako ba ay ONE WITH EVM?
Kahit sa pamamagitan ng titik, isinisigaw kong Ako at ang aking buong sambahayan ay ONE WITH EVM!
Mabuhay ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo!
Mabuhay si Kapatid na Eduardo V. Manalo!
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.