Tuesday, January 12, 2016

Sulyap Sa Hinaharap (Ikalimang Bahagi)


I-fast forward natin. Ang dalawang tiwalag na lalaki at babae ay nagkaigihan at nagkasundong magpakasal. Narito ang isa sa pinaka-mabigat na dilemma. Sino at ano ang karapatan ng magkakasal?

Alam naman nating void from the very beginning (void ab initio) ang kasal na ang nagkasal ay walang lisensiyang magkasal. Ang lisensiya sa pagkakasal (license to solemnize marriage) ng isang Ministro sa Iglesia Ni Cristo ay iniisyu ng gobyerno batay sa karapatang ibinigay ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa Ministro na pinagtibay nilang magkasal.

Mangangahas kaya ang mga natiwalag na ministro na magkasal pa rin gamit ang dati nilang lisensiya sa pagkakasal (kung mayroon man) gayong tiwalag na nga sila? Hindi kaya madagdagan lamang ang kaso nila? Bukod pa sa ang lisensiya sa pagkakasal ay may expiration na hanggang tatlong taon mula nang ito ay mai-isyu ng OFFICE OF THE CIVIL REGISTRAR GENERAL.

Samakatuwid, para makapagkasal ang mga ministro na ito na natiwalag, kailangan ay may bukod silang samahang panrelihiyon at may bukod na Tagapamahalang Pangkalahatan o anuman ang itatawag nila sa kanilang pinakamataas na lider.

Ito ay sapagkat hihingin sa kanila ng OFFICE OF THE CIVIL REGISTRAR GENERAL ang pangalan ng kanilang samahan at ang pangalan ng pinakamataas na lider na nagbigay ng rekomendasyon sa kanilang ministro na magkakasal.

Please answer, ano ang ilalagay ninyong pangalan ng inyong samahan? Iglesia Ni Cristo? Tsk. Tsk. Tsk. Kaso na naman iyan. Ano ang pangalan ng pinakamataas na lider na magbibigay ng rekomendasyon sa inyong ministro para magkasal?

Sabagay kahit nga kayo ay hindi ninyo mailagay sa official website ninyo kung sino ang inyong Tagapamahalang Pangkalahatan. Just wonderin’. Bakit kaya?

Dalian ninyong mag-isip. Baka may magpapakasal na sa inyo na mga binata at dalaga sa taong ito, 2016. Kawawa naman. Apat na bagay lang:

(1)  Hindi sila maaaring ikasal kaya magli-live in na lang, na labag naman sa aral ng Diyos.

(2)  Hindi muna magpapakasal habang hinihintay na mangyari ang ilusyong “restoration” sa Iglesia. “I Can Wait Forever.” Iyan ang bagay na “theme song” sa kanila.

(3)  Void ab initio ang kasal sapagkat walang lisensiya ang nagkasal sakaling magpilit pa ring magkasal.

(4)  Papayuhang sa Huwes magpakasal

Nangingiti na naman si Rovic “Sher Lock” Canono at si Grace “Benito Affleck” Hernandez. Ano kaya ang iniisip ng dalawang ito? Recto lang ang katapat niyan?

May kasunod.



Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.