Monday, January 25, 2016

Unmasking Sebastian Rauffenburg (Part 2)


Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot si Sebastian Rauffenburg (S.R.) sa tanong ni Ka Marlex Cantor. Maraming kung anu-anong paliwanag si S.R. sa iba’t ibang talata ng Biblia na matagal nang ginagamit ng Iglesia Ni Cristo na batayan ng pananampalataya. Ang mga ito ay itinuro sa panahon pa ni Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na EraƱo G. Manalo.

Ito naman ang pinipilipit ni S.R. at para ipakita na pinag-aralan niyang mabuti ang mga talatang ito, gumagamit pa siya ng wikang Griyego sa kaniyang mga paliwanag.

Ngunit tatlong simpleng tanong ay hindi niya masagot. Alam ninyo kung bakit? Isa-isahin natin ang mga tanong at kung ano ang dahilan kaya hindi niya ito sinagot:

1.     Kaanib ka ba o naging kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) na ipinangaral ni Kapatid na Felix Y. Manalo?

Paano niya ito sasagutin kung Protestante siya? Sa ibang bagay, kaya niyang magsinungaling ngunit hindi sa bagay na ito. Sabagay kung dati siyang kaanib na ngayon ay tiwalag na sa INC, madali pa rin niyang masasagot ang tanong sapagkat bahagi ng tanong ay kung “naging kaanib” siya ng INC na ipinangaral ni Kapatid na Felix Y. Manalo. Ngunit hindi pa rin niya ito sinagot.

2.     Naniniwala ka ba na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw?

Kung siya’y kaanib ng INC, madali rin niya itong sagutin. Kahit pa nga siya dating kaanib ay masasagot pa rin niya ito sapagkat may mga natiwalag na naniniwala pa rin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw. Ngunit bakit hindi niya ito sinagot? Hindi naman niya kasi ito pinaniniwalaan at hindi maatim ng kapiranggot niyang konsensiya na sagutin ito ng “oo”. Nais pa nga niyang palitawin na may mga aral ng Iglesia na nakabatay sa maling pagkaunawa sa Biblia gayong ang mga aral na ito ay ipinangaral pa ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw.

 Ito namang mga bulag na “defenders” daw na sina Fruto, Nelson Maranan, Sofia Salem at marami pang iba ay napakahilig tangkilikin ang posts ni S.R. basta’t alam nila na magagamit ito laban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia. Iyon pala ang pakahulugan nila sa “restoration”—ang mag-share ng mga maling aral at ibang ebanghelyo. Sila ba ang klase ng mga tao na paniniwalaan? Mga nagpapakalat ng mga maling aral at nanghihikayat pa sa iba na sumama sa kanila.

3.     Maliligtas ba ang mga Protestante na tumangging umanib sa Iglesia Ni Cristo na ipinangaral ni Kapatid na Felix Y. Manalo?

 Lalong hindi niya sasagutin ito sapagkat siya’y Protestante. Uusigin siya ng kaniyang budhi (kung may natitira pang kapiranggot) kapag sinabi niyang hindi maliligtas ang mga Protestante na tumangging umanib sa Iglesia Ni Cristo na ipinangaral ni Kapatid na Felix Y. Manalo.

 Baka itanong ninyo, “kung talagang Protestante siya, bakit hindi na lang niya sagutin ang lahat ng tanong (1, 2, 3) ng ‘hindi’”.  Bakit sa halip na sagutin niya ay dalawang ulit niya itong iniwasan at hanggang ngayong isinusulat ko ito ay wala pa rin siyang sagot? Obvious naman kasi na nakikisakay lang siya sa mga tiwalag na lumalaban sa Pamamahala. Nakakita siya ng oportunidad na siraan ang Iglesia.

 At upang hindi siya mahalata ay ginamit niya ang profile picture ni Ka Erdy. Iisipin tuloy ng mga nagpapakilalang “defenders” na “defender” din siya. Kaya nakakita siya ng tagatangkilik at ahente ng kaniyang mga mapanlinlang na artikulo.

 Napansin ba ninyo ang katusuhan ni Sebastian Rauffenburg? Manang-mana sa kaniya amang diablo na TUSO at IMPOSTOR. Kaya kapag nakita ninyo ang pangalang Sebastian Rauffenburg, iisipin ninyong lagi ang babala ni Apostol Pedro:

 8Humanda kayo at magbantay.  Ang diyablo ng kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. 9Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos.  Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig (1 Ped. 5:8-9 MB).

  

Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.