Dahil
sa mga nagaganap ngayon sa Iglesia, bumangon ang katanungan kung ano ang
magiging kahihinatnan ng Iglesia Ni Cristo sa hinaharap? Sa tanong na ito,
marami ang mga nagbigay ng kanilang kuru-kuro o pala-palagay, kapwa mababaw at
malalim.
Ipinakikilala
sa mga talatang ito ang katangian ng mga tunay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo
sa mga huling araw: sila’y matatag, sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa
pananalig kay Jesus.
Dahil
dito, matatalikod ba ang Iglesiang ito kapag ang pag-uusapan ay ang kabuuan o
ang organisasyon? Ang sagot ay HINDI at ang katunayan nito ay naroon sa mga
kasunod na mga talata:
“Tumingin
ako, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang nilikhang
animo’y tao, may koronang ginto at may hawak na isang matalas na karit. Isa
pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa
ulap, ‘Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog
na ang anihin sa lupa!’” (Apoc. 14:14-15 MB).
Ang
katunayang ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan o bilang organisasyon ay hindi
matatalikod ay sapagkat ito ang gawain ng Diyos na aabutan ng panahon ng
paggapas o pag-aani o ng katapusan ng mundo (Mat. 13:39). Kung may pagtalikod
mang magaganap ay sa hanay lamang ng mga indibiduwal na kaanib tulad ng
nangyari sa mga itiniwalag at tumiwalag sa Iglesia. Sa halip na sila’y naging
matatag, sumunod sa utos ng Diyos at nanatili sa pananalig kay Jesus ay maging
marupok sila at matitisurin, lumabag sila sa utos ng Diyos at hindi sila nanatili
sa pananalig kay Jesus.
Marami
ang nagtatanong, bakit daw nangyayari ang kung ano ang nangyayari sa Iglesia
ngayon? Sa muli, ang ibibigay kong sagot ay hindi batay sa kuru-kuro o
pala-palagay kundi batay sa hula ng Diyos na ipinagpauna sa ikatlong bahagi ng
lupain (Iglesia) na ang katuparan ay ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa
Pilipinas noong 1914.
“…ang
ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y
dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang
pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang
didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang
Panginoon ay aking Dios” (Zac. 13:8b-9).
Ang
Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw ay hinulaang maiiwan. Hindi ito matatalikod.
Dadalhin ito sa apoy sa layuning subukin at dalisayin. Pinatutunayan ni Apostol
Pedro na ang apoy ay sagisag ng pagsubok:
“Upang
ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na
nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa
ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo” (1
Ped. 1:7).
Hindi
nga ba’t kapag ang ginto ay pinaraan sa matinding init ng apoy ay makikitang
hihiwalay ang hindi tunay o impurities
ng ginto at ang maiiwan ay ang lantay na ginto (pure gold)? Ano rin ang nakita
nating nangyari at nangyayari sa Iglesia nang ito’y dalhin ng Diyos at paraanin
sa matitinding apoy ng pagsubok? Nakita nating nahiwalay ang mga hindi tunay at
naiwan o nanatili ang mga tunay na kaanib at tunay na sumasampalataya.
Kaya,
ano ang magiging kahihinatnan ng Iglesia Ni Cristo sa hinaharap? Ang Iglesia Ni
Cristo ay mananatiling matatag at kailanman ay hindi matatalikod. Ang maiiwan o
matitirang kaanib ay ang mga tunay, matiyaga, sumusunod at nananatili sa
pananalig kay Jesus—mga karapat-dapat sa tunay na kapahingahan sa Bayang Banal
(Apoc. 21:1-4).
Alalahanin
sana ng lahat ng kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang hinihintay ng Diyos kapag
pinaraan na tayo sa apoy ng pagsubok:
"...Sila’y
magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin,
Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.”
May
kasunod.
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.