Matagal nang may warrant
of arrest si Lowell Menorca II noon pang Disyembre 8, 2015 (Marawi City) at
Disyembre 21, 2015 (Kapatagan, Lanao Del Norte). Kung noon pa’y nakita na siya,
ay noon pa sana siya dinakip ng mga pulis. Palibhasa’y matagal siyang nagtago sa
“safehouse” at nagkataon na ngayon lang siya nakita kaya ngayon din lang siya dinakip
ng mga pulis. Simple as that.
Hindi tungkulin at hindi rin saklaw ng INC ang maglabas ng warrant of arrest. Ang RTC ng Marawi at Lanao Del Norte ang naglabas nito kaya sila ang dapat tanungin tungkol dito. Simple as that.
Ang nakatatawag ng pansin kay Ted Failon ay parang
minamaliit o minemenos niya ang RTC ng Marawi at Lanao Del Norte na doon
nanggaling ang warrant of arrest. Ano kaya ang reaksiyon ng mga taga-Marawi at
Lanao Del Norte? Payag ba kayo na minamaliit kayo?
Hindi tungkulin at hindi rin saklaw ng INC ang dumakip sa
taong may warrant of arrest. Ang kapulisan ang may pananagutan nito. Sa mga
pulis dapat itanong kung bakit ngayon lang dinakip si Lowell Menorca II. Simple as that.
Halatang-halata si Ted Failon na kampi sa mag-asawang
Menorca sa linya ng mga tanong na para bagang isa pa siyang abogado ni Lowell
Menorca II na naghahanap ng paraan para maisalba siya sa kaso. A-BIAS-CBN nga
naman. Hindi kataka-taka susunod na rito ang C-RAPPLER at ang INQ-ORRECT.NET.
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.