Sa
bilis ng takbo ng panahon, masasabi nating ilang panahon na lang ay magsasagawa
nang muli ng Sta. Cena ang buong Iglesia Ni Cristo. Alam nating bago pa man ito
dumating ay maagap ang Pamamahala sa Iglesia Ni Cristo upang igayak ang buong
Iglesia upang maging karapat-dapat sa pagtanggap ng Banal Na Hapunan.
Ang
mahalagang tanong ay paano naman ang mga natiwalag sa Iglesia noong nakaraang
taon dahil sa paglaban sa Pamamahala?
Sabagay
may bukod na silang pagsamba, may bukod na rin silang ministro at manggagawa na
nangangasiwa ng pagsamba, at kung tama ang aking pagsusuri ay may bukod na rin
silang pamamahala na siyang nagsusugo sa kanilang mga ministro at manggagawa sa
kanilang tinatawag na “EGM” o Ecclesiastical Group Meeting.
Magkakaroon
na rin kaya sila ng bukod na Sta. Cena sa kauna-unahang pagkakataon?
Kung
hindi, paano pa mapatatawad ang kanilang kasalanan na parami nang parami habang
parami nang parami ang kasinungalingan na kanilang ikinakalat sa social media?
Kung
mayroon naman silang isasagawang Sta. Cena, narito ang ilang mga katanungang
dapat nilang sagutin:
•
Sino ang mangangasiwa nito?
•
Ano ang karapatan niya at saan ito galing?
•
Ano ang karapatan ng nagbigay sa kaniya ng karapatang mangasiwa ng Sta.
Cena?
•
Kung dati siyang may karapatang mangasiwa ng Sta. Cena noong nasa loob
pa siya ng Iglesia at ng ministeryo, paano niya nasabing nasa kaniya pa rin ang
karapatang ito gayong hindi na siya nakaugnay sa Pamamahala at dahil dito’y
hindi na rin siya nakaugnay kay Cristo at sa Diyos mula nang siya ay matiwalag
sa Iglesia?
•
Patatanggapin ba nila ng Sta. Cena si Rovic “Sher Lock” Canono na
itiniwalag sa panahon pa ni Ka Erdy dahil sa kaso ng imoralidad?
•
Patatanggapin ba nila ng Sta. Cena si Grace “Benito Affleck” Hernandez,
si Lito Fruto at ang iba pa nilang mga kasama na mga itiniwalag dahil sa iba’t
ibang kaso?
•
Saan manggagaling ang tinapay na ipatatanggap nila sa kanilang mga
kasama?
Baka
itanong nila, “ano naman kung may bukod kaming Sta. Cena”?
Ano
ba ang kahulugan ng Sta. Cena kaya hindi ito magiging katanggap-tanggap na
gawin ng mga natiwalag sa Iglesia Ni Cristo?
“Ang
saro ng pagpapala, na aming pinagpala, hindi ba ito ay ang pakikipag-isa sa
dugo ni Cristo? Hindi ba ang tinapay na pinagputul-putol, hindi ba ito ay ang
pakikipag-isa sa katawan ni Cristo?” (1 Cor. 10:16 Bible’s Int’l.)
Ang
kahulugan ng Sta. Cena ay pakikipag-isa (pakikibahagi sa saling NPV) sa katawan
at sa dugo ng ating Panginoong Jesucristo. Kaya kapag kumakain tayo ng tinapay
na pinagputul-putol ay nakikipag-isa tayo sa katawan ni Cristo na pinakuan sa
krus at kapag umiinom naman tayo mula sa saro ng katas ng ubas ay nakikipag-isa
tayo sa Kaniyang dugo na nabuhos sa Bundok na Kalbaryo.
Sino
ang inuutusan na magsagawa ng Sta. Cena o Banal na Hapunan at makibahagi rito?
“Bagaman
tayo’y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka’t tayong lahat
ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay” (1 Cor. 10:17).
Ang
iisang katawan na tinutukoy rito ay ang Iglesia na ang ulo ay si Cristo (Col.
1:18). Bagaman marami tayo bilang mga sangkap, bawa’t isa sa atin ay bahagi o
sangkap ng katawan o Iglesia na siyang Iglesia Ni Cristo. Ang inuutusan na
makibahagi sa Sta. Cena ay ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Kaya nga kasama
sa mga tanong na dapat masagot ng mga natiwalag sakaling mag-isip sila na
magsagawa rin ng Sta. Cena ay “Saan manggagaling ang tinapay na ipatatanggap
nila sa kanilang mga kasama?” sapagkat ayon kay Apostol Pablo, “tayong lahat ay
nakikibahagi sa isa lamang tinapay.” Kung may bukod na tinapay ang mga
natiwalag ay lilitaw na hindi na isang tinapay iyan kundi dalawa na.
Ano
ang banal na katuwiran kaya tanging ang mga kaanib sa tunay na Iglesia Ni
Cristo lamang ang may karapatan na magsagawa ng Sta. Cena at makibahagi rito?
“Ako
ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko
sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap ni Cristo para sa
kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya” (Col. 1:24 Bible’s Int’l.).
“Mga
lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa
iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito” (Efe. 5:25 MB).
Ang
paghihirap ni Cristo at ang Kaniyang kamatayan sa krus ay para sa kapakanan ng
Kaniyang Iglesia na Kaniyang katawan na ito ay ang Iglesia Ni Cristo (Gawa
20:28 Lamsa). Samakatuwid, kahit pala mag-isip ang mga natiwalag na magsagawa
rin ng bukod na Sta. Cena, ang lahat ng ito ay mawawalan lamang ng kabuluhan at
hindi magbubunga ng kapatawaran ng kasalanan.
Ano
ang sama kapag ang kasalanan ay hindi napatatawad?
“Kundi
ang bawa’t tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at
nahihikayat. Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng
kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan” (Sant.
1:14-15).
Kapag
hindi napatawad ang kasalanan, ito ay lalaki at kapag ito’y malaki na,
mamumunga ito ng kamatayan na ang tinutukoy ay hindi lamang yaong pagkalagot ng
hininga kundi ang ikalawang kamatayan o kaparusahan sa dagat-dagatang apoy
(Apoc. 20:14).
Kaya
sa ganang tunay na mga Iglesia Ni Cristo, napakahalaga ng pagtanggap ng Sta.
Cena sapagkat ito ang banal na okasyong itinatag ni Cristo upang mapatawad ang
lahat ng kasalanan na nagawa ng kaanib mula nang siya ay mabautismuhan o mula
nang huli siyang tumanggap ng Sta. Cena.
“At
samantalang sila’y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala,
at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin
ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat,
at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka’t
ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad
ng mga kasalanan” (Mat. 26:26-28).
Paano
kung ipilit pa rin ng mga natiwalag na magsagawa ng Sta. Cena gayong wala
namang silang karapatang gawin ito?
“Ang
sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa saro ng Panginoon nang di nararapat
ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon” (1 Cor. 11:27 MB).
Maliwanag
na ayon sa pagtuturo ni Apostol Pablo, kapag ang pagtanggap ng Sta. Cena ay
hindi nararapat, ang gayon ay nagkakasala lamang sa katawan at dugo ng
Panginoon. Sana napansin ninyo ito. Hindi lamang hindi napatatawad sa kasalanan
kundi nadaragdagan pa ng kasalanan ang mga oo nga’t magsasagawa ng Sta. Cena
subalit hindi naman nararapat. Ang totoo, iyan ay sinabi sa mga magsasagawa ng
Sta. Cena sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Gaano pa kaya kung ang magsasagawa ng
Sta. Cena ay mga tiwalag at nasa labas na ng Iglesia Ni Cristo?
Paano
makikilala ang tumatanggap ng Sta. Cena nang hindi nararapat?
“Sapagkat
ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi pinahahalagahan ang katawan ng
Panginoon, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili” (1 Cor. 11:29
MB).
Ang
tumatanggap ng Sta. Cena nang hindi nararapat ay ang hindi nagpapahalaga sa
katawan ng Panginoon. Literal na katawan ang pinuhunan ng Panginoong Jesucristo
upang matubos ang espirituwal na katawan Niya na Siyang Iglesia.
Ang
mga natiwalag na lumaban pa sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ay hindi
nagpapahalaga kapuwa sa literal at espirituwal na katawan ni Cristo. Sila
ngayon ang dahilan kung bakit nilalait at hinahamak ng sanlibutan ang Iglesia
Ni Cristo sa mga huling araw na ito.
Samantala,
mayroon bang makapaghihiwalay na anuman o sinuman sa mga naninindigan sa
pakikipagkaisa kay Cristo?
“Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Cristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—pag ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon” (Rom. 8:35, 37-39 MB).
Walang
anuman at walang sinuman ang maaaring makapaghiwalay sa isang kaanib na
naninindigan sa kaniyang pakikipag-isa kay Cristo o sa kaniyang pagka-Iglesia
Ni Cristo.
Kaya
natitiyak natin na kapag nagpilit na magsagawa ng Sta. Cena ang mga natiwalag
na ito na lumaban sa Pamamahala, madaragdagan lamang ang kanilang kasalanan at
dinagdagan pa nila ang dahilan para sila’y hatulan.
Kaya,
ano ang itinuro ni Apostol Pablo na dapat gawin ng mga kaanib sa Iglesia Ni
Cristo na tatanggap ng Sta. Cena para maging karapat-dapat ang kanilang magiging
pagtanggap nito?
“Kaya,
dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa
saro” (1 Cor. 11:28 MB).
Ano
ang dapat namang siyasatin bago tumanggap ng Sta. Cena?
“Siyasatin
ninyo ang inyong sarili, kung kayo’y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang
inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si
Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo’y itinakuwil na” (2 Cor.
13:5).
Nananagot
ang tatanggap ng Sta. Cena na siyasatin ang sarili at suriin kung siya’y nasa
pananampalataya pa at kung si Jesucristo ay nasa kaniya pa o baka siya ay
itinakuwil na. Hindi makapapasa rito ang mga natiwalag kaya huwag na silang
mangarap na magsagawa pa ng bukod na Sta. Cena sapagkat pinalalala lamang nila
ang kanilang kalagayan.
Tanging
ang Diyos lamang ang nakaaalam kung bakit sila’y tuluyang nagdilim na nagawa pa
nilang kalabanin at lapastanganin ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo. Ngunit
isang hayag na katotohanan na ang tumanggap ng Sta. Cena nang hindi nararapat
ay hinahatulan ng Diyos kaya sa pangyayari sila ang pinapagdidilim ng Diyos
pagkatapos nilang tumanggap ng Sta. Cena. Ito mismo ang nangyari kay Judas
Iscariote.
“Sumagot
nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya’t
nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na
anak ni Simon Iscariote. At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa
kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali”
(Juan 13:26-27).
Itatanong
marahil ng mga natiwalag na ang iba’y bunga lamang ng kabiglaanan o ng
padalus-dalos na pagpapasiya o nadala lamang ng simpatiya, “ano ang nararapat
naming gawin lalo na ngayong malapit na ang pagsasagawa ng buong Iglesia Ni
Cristo ng Sta. Cena”?
“Ang
mga gawain ng taong masama’y Dapat nang talikdan, at ang mga liko’y Dapat
magbago na ng maling isipan; Sila’y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang
kahabagan, At mula sa Diyos, Matatamo nila ang kapatawaran” (Isa. 55:7 MB).
Napakagandang
pagkakataon ng nalalapit na Sta. Cena lalo na para sa mga natiwalag na
magbalik-loob at manumbalik sa Diyos. Ngunit dapat na silang magbago ng maling
isipan. Dapat na nilang talikdan ang kasamaan at kalikuan.
May
kasunod.
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.