Wednesday, January 27, 2016

Unmasking Antonio Ramirez Ebangelista (Part 02)




Bagaman ang picture na ito ay self-explanatory, gayunman hayaan pa rin ninyong talakayin ko “for the sake of emphasis”, wika nga.

Sinabi ni Antonio Ebangelista na:

“Subalit sa halip na magpadala tayo sa ating emosyon at matukso na lumapastangan at lumaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, maaari ko ba kayong himukin mga kapatid na ngayon ay muling lumuhod sa Ama at buong taimtim na manalangin sa Panginoon Diyos alang-alang sa kapakanan ng Iglesia na sana ay magpakahayag Sya sa Kaniyang piniling lider ng Iglesia, ang pinakamamahal naming Kapatid na Eduardo V. Manalo at nawa ay magdalang habag Siya na iparamdam sa aming namamahala na ngayon namin lalong kailangan ang paggabay at pagmamahal ng isang ama ng buong Iglesia” (source: Blogpost, April 30, 2015, PANALANGIN PARA SA MGA ANAK NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO [WITH ERRATUM]).

Ayon sa pasimuno ng mga nagpapakilalang INC Defenders, sino raw ang pinili ng Diyos na lider ng Iglesia o Tagapamahalang Pangkalahatan? Ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Paano naman sina Angel at Marc?

“Hinihikayat ko po ang mga kapatid na huwag ng magkomento ukol sa Ka Angel at Ka Marc na para bang ang dating ng kanilang sinasabi ay mas maganda sana kung sila na lang ang maging Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi po nila iyon kailanman pinag-isipan o hinangad”(Source: Blogpost, April 27, 2015, LET ME MAKE MYSELF CLEAR…)

Batay sa pahayag na ito ni Antonio Ebangelista, hindi si Angel o si Marc ang Tagapamahalang Pangkalahatan.

Ano naman ang sinasabi ni Shyla Gomez na FB friend ni Antonio Ebangelista?

What if? Lumabas na yung evidence na isa sa magkapatid ang nabasbasan ng ka Erdy as TP at hindi si EVM, ano kaya ang gagawin ni Jezebel at ni Eduardong Baal? Saan kaya pupulutin ang mga ministro na naging instruments sa pagtatakip sa amo nila na may sapi? May mukha pa kaya silang ihaharap sa mga kapatid sa pag akyat nila sa tribuna? …(source: FB post: Shyla Gomez, January 21 at 11:15pm)

Obvious na parehong nagpapakilalang INC Defender daw subalit obvious din na magkaiba ng paninindigan.

Ano uli ang sabi mo Antonio Ebangelista?

“SUBALIT… oras na maiba na po ang inyong paninindigan o reaksyon sa mga bagay na aking inihahayag, diyan na po tayo MAGHIHIWALAY NG LANDAS” (Source: Blogpost, April 27, 2015, LET ME MAKE MYSELF CLEAR…).

Ang tanong ko uli ay naghiwalay na ba kayo ng landas ni Shyla Gomez? Bakit hanggang ngayon ay FB friend mo siya? Unaware ka na naman na friend mo siya? Unaware ka na naman na may sinabi siyang gayon? SINUNGALING2!

Kinakabahan na sina Lito Fruto, Sofia Salem, Gatekeeper Of The Flock 2, Forever INC at ang iba pang “sawsaw dito sawsaw doon” dahil ka-espiritu (short for ka-masamang espiritu) sila ni Shyla Gomez sa isyung ito.

Many more to come!

See you soon!

 
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.