Sino ang Lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia sa
Kasalukuyan?
Ang tanong na ito ay hindi ukol sa mga tunay na kaanib sa
Iglesia Ni Cristo sapagkat sa ganang mga tunay na Iglesia Ni Cristo, maliwanag
at walang alinlangan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang
Pangkalahatan na inilagay ng Diyos sa Iglesia nang papagpahingahin Niya si
Kapatid na EraƱo G. Manalo.
Ang tanong na ito ay para sa mga nagpapakilalang INC
Defenders daw sila. Sino ba para sa inyo ang kasalukuyang lehitimong
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?
Maaari bang may gumawa sa inyo ng interview at tanungin ninyo silang isa-isa?
Simulan ninyo kay Marc.
Marc, sino na ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan? Si
Ka Eduardo ba o ikaw?
Pagkatapos, tanungin ninyo si Angel.
Angel, sino ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan? Si
Ka Eduardo ba o si Marc?
Pagkatapos isunod ninyong tanungin sina Jun Samson, Joy “Kelly
Ong” Yuson, Farley De Castro, Lowell “A.E.” Menorca II, Luisito Cayabyab,
Vincent Florida at ang iba pang mga “rebels and deserters,” sino ang kinikilala
ninyong kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?
Huwag kayong matakot na ito’y gawin. Hindi nila kayo
ititiwalag sapagkat una, wala naman daw kayong Iglesiang kinaaaniban sapagkat
hindi naman daw sila nagtatag ng bagong Iglesia at ikalawa, paano’ng makapagtitiwalag
ang tiwalag? At saka hindi ba ito ang gusto nila, na malaya ang sinumang makapagtanong
nang hindi natatakot na matiwalag.
Bakit dapat ninyong gawin ito, kayo na mga nagpapakilalang
INC Defenders daw? Para matiyak ninyo kung kanino ninyo iuukol ang inyong katapatan
o loyalty at para matiyak ninyo na
nagkakaisa kayo. Sabagay, wala akong alinlangan na kayo ay nagkakaisa—sa paninira sa Iglesia at sa
Pamamahala at sa paghahasik ng pagkakabaha-bahagi. Ang binabanggit ko sa sinabi
ko na “para matiyak ninyo na nagkakaisa kayo” ay kung iisa ang kinikilala
ninyong kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia o diyan
ay nagkakabaha-bahagi na kayo.
Gumawa ako ng pormularyo para makatulong. Ituwid lang ninyo
kung sakaling mali ang intindi ko sa kung sino ang kinikilala ng mga ito na kasalukuyang
lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia. Isinama ko sa listahan ang
iba pang nagpapakilalang “INC Defenders” daw.
PANGALAN
|
Sino ang lehitimong Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia?
|
Marc
|
Pakitanong na lang ninyo siya
|
Angel
|
Si Ka Eduardo (batay sa panayam sa kaniya)
|
Jun Samson
|
Si Ka Eduardo (batay sa panayam sa kaniya)
|
Joy “Kelly Ong” Yuson
|
Pakitanong na lang ninyo siya baka kasi si Angel ang isagot niya
|
Farley De Castro
|
Pakitanong na lang ninyo siya
|
Lowell “A.E.” Menorca
|
Si Ka Eduardo (batay sa post niya sa FB)
|
Luisito Cayabyab
|
Pakitanong na lang ninyo siya. Alanganin yata siya.
|
Vincent Florida
|
Pakitanong na lang ninyo siya
|
Lito De Luna Fruto
|
Pakitanong na lang ninyo siya. Alanganin din yata siya.
|
Rovic “Sher Lock” Canono
|
Pakitanong na lang ninyo siya.
|
Grace “Benito Affleck” Hernandez”
|
Si Marc
|
Nikki Nicanora Garcia
|
Si Marc (may pasumpa-sumpa pa siya ng katapatan)
|
Dante Daguman
|
Si Marc
|
Ito ay 13 pa lang at halatang sa kalagitnaan nila ay hindi
na sila nagkakaisa. Ito ay bukod pa sa mga hindi natin tiyak kung sino ba
talaga para sa kanila ang kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng
Iglesia. At ikaw mismo na gumawa ng panayam na ito, sino ang kinikilala mong kasalukuyang
lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?
Sa mga ang isinagot ay si Marc, hindi ako nagtataka na
atakehin ng mga taong ito si Ka Eduardo, salaulahin nila ang kaniyang larawan
at paratangan siya ng kung anu-anong paninira na pawang paglapastangan sa
kaniyang pagkatao, sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang karapatan. Ito ay
dahil sa wala nga silang pagkakilala kay Ka Eduardo.
Ang gusto kong matawagan ng pansin ay ang mga nagsasabing
INC Defenders daw sila na ang kinikilalang kasalukuyang lehitimong
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ay si Ka Eduardo. Sapagkat kung totoo
sa puso ninyo na kinikilala ninyo si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang kasalukuyang
lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, bakit lumalaban kayo sa
kaniya? Bakit nilalapastangan ninyo siya? Bakit ninyo paulit-ulit na sinasaksak
ang kaniyang pagkatao?
Kung sasabihin naman ninyo na hindi ninyo ginagawa ang mga
nabanggit, bakit hindi ninyo magawa na ipagsanggalang si Ka Eduardo? Akala ko ay
INC Defenders kayo? Bakit pinapayagan ninyo na ang mga kasama ninyo na
nagpapakilalang INC Defenders na gaya nina Grace Hernandez, Nikki Nicanora
Garcia at Dante Daguman ay nilalait at sinisiraang-puri si Ka Eduardo? Bakit
hinahayaan ninyo na manatili sa inyong facebook
wall ang mga posts nila laban sa
Pamamahala? Marami kayong panahon sa ibang bagay subalit bakit wala kahit
katiting na pahayag kayo laban sa mga lumalapastangan kay Ka Eduardo? Bakit
hindi ninyo sila pagsabihan at sawayin? Natatakot kayo na mabawasan ang bilang
ninyo? Natatakot kayo na baka kayo-kayo ay magbistuhan? O ang usapan ninyo ay
magsasanib muna kayo ng puwersa (kahit iba iba pa ang inyong paniniwala at pinaninindigan)
para pabagsakin ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia at saka na kayo
mag-uusap kapag nangyari na ito (na hindi talagang mangyayari kailanman).
Pati
ADD at Catholic Defenders ay welcome
na rin sa inyong samahan basta mapabagsak lang ang liderato ng Iglesia.
Ito ay katunayan lamang na hindi kayo talaga INC Defender
kundi INC Destroyer. Hindi “restoration” ang gusto ninyo kundi “demolition” at “demoniolition.”
Sana mag-isip isip kayo na wari’y nahihikayat ng mga INC
Defenders habang hindi pa huli ang lahat. Tandaan ninyo na napakabigat na
kasalanan ang lumaban sa Pamamahala.
Kung kinikilala ninyo si Ka Eduardo V. Manalo ang lehitimong
Tagapamahalang Pangkalahatan, tumayo tayo sa panig niya, mahalin natin siya, makipagkaisa
tayo sa kaniya, ipagsanggalang natin siya at pamamagitan ng panalangin sa Diyos
ay hilingin natin na hawakan siyang mahigpit ng Diyos sa panahong ito ng
matinding pag-uusig at ligalig.
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”