Marahil ito ay reaksiyon niya sa aking naunang post na may pamagat na Unmasking Antonio Ramirez Ebangelista (Part 02).
Refer to: https://lowellmenorcasagot.wordpress.com/2016/01/26/unmasking-antonio-ramirez-ebangelista-part-02/
Anyway, bukod sa aking sagot
sa post niya, nais kong mapansin ninyo ang sinabi ni Shyla Gomez na “hindi
kine-claim ng magkapatid but it’s undeniable fact na isa sa kanila ang may
basbas as TP.”
So, ang ibig bang sabihin ni
Shyla ay kine-claim na ng magkapatid na isa sa kanila ay may basbas as TP? Bago
ang lahat, pwede kayang marinig o mapanood ang “claim” na ito ng magkapatid
para masuri namin? At dahil sa si Shyla ang isa sa masugid na tagapagpalaganap
ng ilusyong ito, maaari bang siya ang maglabas nito.
Isa pa, sana ay napansin
din ninyo na maingat si Shyla na hindi pinangalanan kung sino sa magkapatid ang
nag-“claim” na may basbas siya as TP. I could only guess why. Kasi pag sinabi
niyang si Marc, malamang na magalit ang kampo ni Angel at vice-versa.
Akala ko titigil na siya
sa kaniyang ilusyon nang sabihin kong:
“Pakibasa uli post ni
Antonio Ebanghelista na kadefender mo. Tanggap ni AE na si Ka EVM ang pinili na
maging TP. What say you?”
Guess what? Ano ang sagot
niya rito?
“Acting ang ibig sabihin
ni ka AE. Hindi legal kasi nga wala pang claim yung magkapatid.”
May dalawa pa siyang post
na kasunod nito. Ang isa ay may kinalaman sa 2 bilyong utang at ang iba pa ay
puro paninira na lang kaya binura ko na lang mula sa aking FB page.
Ang sabi niya ay may 2
bilyong utang daw ang Iglesia. Kinupit kaya niya ang 5.5 bilyon pang utang daw
ng Iglesia na sinasabi ni Sher Lock? O ibang bersiyon na naman ito ni Shyla? Alam
kong magpapalusot na naman siya at sasabihin sa isang bangko lang daw ang utang
na 2 bilyon. Gayunpala, bakit hindi niya sinabi? Isa pa, maninira din lang
siya, bakit ang sinabi niyang utang daw ng Iglesia ay ang mas mababa (2 bilyon)
sa halip na ang mas mataas (5.5 bilyon)? Refer to my previous post na may
pamagat na
“Bangkarote ba ang Iglesia
Ni Cristo?” tungkol sa isyung ito:
Balik tayo sa sagot ni
Shyla tungkol sa sinabi ni Antonio Ebangelista (A.E.). Ano kaya ang isasagot ni
A.E. sa paliwanag na ito ni Shyla? Sinangguni nga ba niya si A.E. at ito ang
isinagot sa kaniya na “acting” TP lang si Kapatid na Eduardo V. Manalo? O
pinangahasan ni Shyla na i-interpret
ang nauna nang binitiwang salita ni A.E. para huwag lumitaw na kinokontra niya
ito?
Shyla, sino ang bulag o
kahit man lang malabo ang mata? Hindi ba ikaw? Kay linaw ng banggit tungkol sa “pinakamamahal
naming Kapatid na Eduardo V. Manalo” na siya ang “piniling lider ng Iglesia.” Nasa
diyan yung “acting” na sinasabi mo?
Ito ay hango sa blog post
ni Antonio Ebangelista na may pamagat na “OPEN LETTER SA LAHAT NG MGA MINISTRO
SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO” na inilathala noong November 25, 2015.
Dalawa ang mahalagang
puntos dito. Ang sabi ni A.E.:
“Ipinagkakalat ninyo na isinusulong namin na ang totoong
Tagapamahalang Pangkalahatan diumano ay ang Ka Marc Manalo at ang dapat sana na
General Auditor ay ang Ka Angel Manalo?
(1) Mr. Antonio Ebangelista, kasinungalingan ang sinasabi
mong kami ang nagpapakalat na ang totoong Tagapamahalang Pangkalahatan diumano
ay si “Marc Manalo”. Ayan si Shyla na isa sa mga masugid na tagapagpakalat nito
at kasama niya sa kaniyang ilusyon na ito sina Lito Fruto, Gate Keepers of the
Flock (a.k.a. Anatole Helios), at marami pang iba na ahente niya ng tsismis.
(2) Ms. or Mr. Shyla, ang sabi ni A.E. “Tatapusin ko na
ang katha-kathang isipan na iyan. Wala pong katotohanan iyan. Ni minsan
ay hindi po nila isinulong ang bagay na iyan at wala po silang ambisyon na
man-agaw ng kapangyarihan.”
Ano ka ngayon? Basahin mo
kasi muna ang mga posts ni A.E. bago ka mag-comment
para hindi mo kinokontra ang “bossing” mo. Kung sasabihin mong hindi mo siya
“bossing” bakit hindi mo hayagang sabihin na siya ay mali sa mga sinabi niyang
ito? Bakit hindi mo siya tawaging “bulager”?
Lastly, pakisindihan mong
muli ang utak mo Shyla para makita mo ito. Ito naman ay hango sa blog post ni Antonio Ebangelista na may
pamagat na “ANG URI NG KAPATID NA SUMISIRA SA PAGKAKAISA NG IGLESIA NI CRISTO”
na inilathala noong May 13, 2015:
“Sapagkat wala naman nagsasabing hindi karapatdapat
ang Ka Eduardo sa pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan, wala din namang
nagsasabing sana iba na lang ang Tagapamahalang Pangkalahatan, kung meron man
ay tiyak na hindi naman iyon ang isyu at isolated case lang iyon kung meron
man.”
Correction Mr. A.E., itong ka-defender
mo na si Shyla ang nagsasabing hindi raw
karapatdapat ang Ka Eduardo sa pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan. Si Shyla rin ang nagsusulong ng ibang Tagapamahalang
Pangkalahatan. Hindi talaga sana isyu iyon pero ginawang isyu ni Shyla.
Hindi rin isolated case iyon sapagkat maraming kasama si Shyla na ahente niya
ng tsismis.
So, Mr. A.E., ano ang gagawin mo kay Shyla at sa kaniyang cohorts at fellow bulagers? Hindi mo pa ba sila i-u-unfriend? Hindi mo pa ba sila sisipain palabas mula sa inyong grupo
ng mga Iglesia
Ni Cristo Defenders daw? Silent No More ka pa rin ba sa isyung ito na
ikinakalat ni Shyla?
At kay Shyla, hindi mo ako masisisi kung i-block kita kasi hindi
maganda ang iyong sinasabi sa Iglesia at sa aming Tagapamahalang Pangkalahatan.
Ayoko ko kasing mabalahura mo ang aking FB page at doon ka magkalat ng mga recycled na kasinungalingan. Kaya huwag
mong gawing isyu kung bakit “blocked” ka sa akin.
Huwag kang mag-alala, marami pa akong ilalantad na salungatan ninyong
mga nagpapanggap na Iglesia
Ni Cristo Defenders.
Hanggang dito na lang muna.
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY
you, because we know that you are WEEDS.”



















