Thursday, January 14, 2016

Sulyap Sa Hinaharap (Ikapitong Bahagi)


Talakayin natin ang isyu ng ordenasyon. Kung magmamatigas ang mga ministrong natiwalag na magpatuloy sa kanilang gawain, darating ang panahon na mangangailangang magdagdag sila ng ministro at manggagawa na makakatulong nila sa paghahasik ng kasinungalingan at ng mga bagong aral nila lalo na kung mabawasan ang kanilang bilang dahil sa may pumanaw na sa kanila dahil sa sakit sa puso o kaya may natuluyan nang masiraan ng ulo dahil sa overdose ng ipinagbabawal na gamot o dahil sa depresyon na bunga ng “paranoia” na laging nakakakita ng abductors gayong wala naman.

 Ang tanong ko sa inyo ay ito:
Magtatayo ba kayo ng bukod na paaralan ng nagmiministro? Sabagay may 2 enrollees na kayo, kung totoo at hindi gawa-gawa lang yung kuwento ni Sher Lock na may nag-aaral daw sa BEM na estudyante pa lang ay ang dami nang reklamo at puna at sanay na sanay magsinungaling. And take note: ang diumano’y reklamo ay hindi sa Direktor ng CEM o sa Pamamahala isinulat kundi kay Rovic “Sher Lock” Canono na tiwalag. Tiyak na qualified na sa inyong magiging paaralan ang mga ito dahil magaling silang magsinungaling at hindi sila marunong sumunod sa protocol.

Sinu-sino nga pala ang magiging Tagapagturo ng inyong magiging paaralan sa hinaharap na ang magiging estudyante ay pa-relaks relaks lang, hindi gigising nang maaga, hindi mapupuyat at sasanaying maging sumbungero kay Sher Lock sa bawat makita niyang puna sa panahon ng kaniyang pag-aaral?

Halimbawa sa Ministerial. Si Boyet Menorca? Paano magtuturo ng humility ang isang taong ubod nang yabang?

 Sa Doktrina. Baka pwede na si Joy “Kelly Ong” Yuson? Hmnn. Napanood ba ninyo video niya? Sa tingin nyo, pwede? Ano kaya ang ituturo niya? Na tao lang naman ang nagtitiwalag sa Iglesia at hindi ang Diyos?

Sa Pilipino Preaching. Baka pwede si Roel Rosal kasi ipinagmamalaki niya ang pagkakataon na siya ang may pinakamaraming bunga (ng papaya?) sa kanilang Distrito. Kaso lang, pasang awa lang pala siya sa academic at evangelical subjects noong nag-aaral pa lamang siya. Kaya pala ngayon, mahilig siya sa ALL CAPS. Ano yan? ALL EMPHASIS. ALL emphasis is NO emphasis. Hindi ba yan ang madalas sabihin ng mga Tagapagturo ng Practice Preaching?

Sa English Preaching. Ah, si Isaias Samson, Jr. kasi may mga humahanga raw sa kaniya sa galing niyang mag-English. Kaya pala, yung “punish” ay binibigkas niyang “panish” parang panis. Try lang ninyo pabigkas sa kaniya ang salitang “punish.”

Fast-forward uli natin sa isyu ng ordenasyon. Sino ang mag-oordena? Tiyak na hindi si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Sino kaya? Kaya pala ninyo ginawang isyu na si Marc ang binasbasan na maging Tagapamahalang Pangkalahatan dahil nakita na ninyo ang napakaraming dilemma para sa inyo kung si Kapatid na Eduardo V. Manalo pa rin ang kikilalanin ninyong Tagapamahalang Pangkalahatan. Kaso lang, ang pinakamalaking suliranin ninyo ay ang nagdudumilat na katotohanan tungkol sa karapatan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan.

Kuwentong barbero lang ang ipinakakalat ninyo na si Marc ang binasbasan na maging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Maging si Antonio Ramirez Ebangelista na nagbigay sa inyo ng lakas ng loob na lumaban sa Pamamahala ay ilang ulit na ipinahayag ang pagkilala niya kay Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan.

Kaya dumating man ang panahon na mag-ordena si Marc ng mga bagong ministro, ang mga ministrong oordenahan niya ay walang karapatan sa pagiging tunay na ministro dahil ang nag-ordena ay walang karapatang mag-ordena at hindi nakaugnay sa karapatan at kahalalan ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw. Walang Espiritu Santo na maisasalin sa kanila sapagkat wala sila sa loob ng tunay na Iglesia Ni Cristo. Kung may espiritung maisasalin sa kanila, ito ay ang espiritu ng kasinungalingan at espiritu ng paglaban sa tunay na Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Kaya logical lang na isipin na darating ang panahon magtatayo kayo ng bukod na Iglesia, na may bukod na Tagapamahalang Pangkalahatan at bukod na mga ministro at manggagawa.

History repeats itself, so to speak.

Sa una denial (“Hindi kami nagtatayo ng Iglesia”) pero sa dulo, wala nang magawa (“Sige na nga. Magtayo na lang nga tayo ng atin”). Kaso sinabi na ninyong naniniwala kayong ang Iglesia Ni Cristo lamang ang tunay na Iglesia at narito lamang ang kaligtasan. Babawiin na ninyo ito? Laban o bawi?
 
May kasunod.

 

Lowell Menorca: Ang Sagot

“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.