Huwag
na muna nating pag-usapan ang 12 taon mula ngayon kundi ngayon pa lamang na ang
mga anak ng mga natiwalag ay mga musmos o bata pa. Simulan natin doon sa sanggol
na naipanganak nang panahong tiwalag na ang mga magulang.
Ang
tanong ko sa inyo na mga natiwalag ay ito:
May
balak ba kayong ihandog ang inyong sanggol na anak? Saan? Alam ninyong hindi
maaari sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Samakatuwid kung kinikilala ninyong mahalaga
ang paghahandog sa mga maliliit na bata upang magkaroon ng bahagi sa kaharian
ng langit (Mat. 19:13-15), mapipilitan kayong ihandog ang inyong anak sa inyong
bukod na pagsamba.
“Nang
magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang
kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad. Datapuwa't
sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong
pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng
langit. At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon”
(Mat. 19:13-15).
Sino
ang maghahandog sa inyong mga anak? Ano ang karapatan niya at saan galing? Saan
galing ang karapatan ng nagbigay sa kaniya ng karapatang ito?
Paano
kaya sasabihin ng ministro ninyo at hihilingin sa Diyos na matala nawa ang
pangalan ng batang ito sa aklat ng buhay sa langit gayong hindi naman siya
matatala sa talaan ng Iglesia Ni Cristo? At ang mismong humihiling nito na
ministro ay wala sa talaan ng Iglesia. O baka babaguhin na naman ninyo ang
interpetasyon dito na maaaring matala sa langit kahit hindi nakatala sa talaan
ng Iglesia Ni Cristo. Sabagay ang dami na ninyong bagong pinaniniwalaang aral
na ang marami sa mga ito ay sa impluwensiya ng isang nagtatago sa pseudonym na Sebastian Rauffenburg na
nagpapanggap lamang na INC o dating INC para makapandaya. Amoy na amoy na galing
sa ibang iglesia o samahan, hindi pa maamoy ng iba.
Narito
pa: paano sasabihin ng ministro at hihilingin sa Diyos na masakop siya (ang sanggol) ng Pamamahala
ng Iglesia? Aling Pamamahala? Ang Pamamahalang nilabanan ninyo, minura, nilait,
nilapastangan at sinabihang mapupunta sa impiyerno? O ang bukod na pamamahala
ninyo?
Maaari
ba na iisa ang Iglesia Ni Cristo, tapos dalawang magkabukod na Pamamahala? Kaya
kung magpapatuloy talaga kayo sa inyong gawain, darating at darating ang
panahon, mapipilitan kayong bumukod at magtatayo kayo ng sarili ninyong
Iglesia, na may bukod na pamamahala at aral na gusto ninyo. Ayaw lang ninyong
aminin sapagkat tiyak na ang naakit ninyo ay biglang kakalas sa inyo at
magbabalik-loob sa Iglesia Ni Cristo.
May
kasunod.
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.