Prologo
May isang drayber na binabagtas ang kahabaan ng EDSA.
Maingat niyang sinusunod ang batas trapiko pati ang itinakda nitong speed limit. May isang pedestrian na biglang tumawid. Hindi
sinunod ang babala na huwag tumawid sa mismong kalsada kundi gamitin ang
itinalagang over pass.
Sinikap ng drayber na magpreno subalit hindi umabot.
Nabangga niya ang pedestrian. Tumalsik
ito at nagkalasug-lasog ang katawan. Nakita ng mga istambay ang pangyayari. Kaibigan
nila ang nabundol. Dali-daling pinuwersa nilang papalabas ang drayber at binugbog
hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.
Sumigaw ang drayber, “Wala akong kasalanan. Siya ang
biglang tumawid kaya siya nabundol.” Lalong nanggigil ang mga tao sa
pambubugbog sa kaniya at hindi siya tinatantanan hanggang hindi
nagkakalasug-lasog ang kaniyang katawan.
Pagsusuri
Tanong: Sino ang mali o may kasalanan?
Sagot: Hindi nga ba’t ang pedestrian na nabundol?
Tanong: Bakit ang drayber ang binugbog gayung sinunod
naman niya ang batas trapiko?
Sagot: Iyan ang kamandag ng simpatiya.
Mali ba na
magkaroon ng simpatiya?
Hindi natin sinasabing mali o masama ang simpatiya. Ang
simpatiya ay isang mahalagang damdamin na nagpapakilala sa pagiging makatao ng
isang tao. Sa pamamagitan nito, naihahayag niya ang pakikiramay niya sa
nararamdaman ng kaniyang kapuwa na nagdaraan sa isang trahedya o sa isang
masaklap at mapait na karanasan. Sa pamamagitan ng simpatiya ay nasasabing niya
sa kaniyang kapuwa na “nauunawaan ko ang pinagdaraanan mo.”
Sa kabilang dako, ang kawalan ng simpatiya ay
nagpapahiwatig ng pagiging manhid ng isang tao o ng pagkakaroon ng pusong bato.
Sa Biblia, isang kaatasan sa mga Cristiano ang magdamayan
sa isa’t isa (1 Ped. 3:8 NPV). Isinalin ito sa Ingles nang ganito:
Finally, all of you, live in
harmony with one another; be sympathetic, love as brothers,
be compassionate and humble (1 Pedro 3:8 NIV, emphasis ours)
Mahalaga, kung gayon, na magkaroon tayo ng simpatiya. Gayunpala,
bakit namin sinasabi na ang simpatiya ay may kamandag? Sapagkat nagagamit ito
ng iba para sa kanilang makasariling layunin. Ang simpatiya ay namamaniobra ng
iba para makakuha sila ng maraming tagasunod na tutulong sa kanila para
maipagtagumpay ang kanilang maitim na binabalak.
Maaalaala pa siguro nating mga Filipino na may napatalsik
sa pagiging Presidente ng bansa dahil sa kamandag ng simpatiya. At ito ring
kamandag ng simpatiya ang ginamit upang mailuklok sa pagiging President ng
bansa ang isang tao na walang sapat na karanasan sa larangang ito.
Ang kamandag na ito ng simpatiya ang siya ring ginagamit
ng mga naghimagsik sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo kailanma’t makakasipat
sila ng pagkakataon. Ito ay upang makaakit ng mga tagasunod at magmungkahi ng
galit laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo at sa kanilang
pamilya at mga pangunahing kinakatulong sa Pamamahala.
Ano nga ba ang naramdaman ng iba nang marinig ang tinig
ni Ka Tenny na nananawagan at nagsasabing may nagtatangkang masama laban sa
kaniyang mga anak na si Lottie, Angel at Marc? At nang basahin sa buong mundo
ang tungkol sa pagkakatiwalag nila, ano rin ang naramdaman ng iba? Hindi ba
simpatiya?
Nang marinig ng marami ang detalye ng diumano’y masaklap
na pinagdaan ni Lowell “BOY-et” Menorca II at ng kaniyang asawa (na ginamitan
pa ng nangangatal na tinig na tonong umiiyak bagaman walang luhang kasama), ano
ang naramdaman ng iba? Hindi ba simpatiya rin?
At nang may mamatay sa No. 36 Compound na kasambahay ni
Angel, ano ang ginawa nila? Dali-dali nilang ipinukol ang sisi sa Pamamahala ng
Iglesia Ni Cristo. Sa anong layunin? Para makakuha ng simpatiya at sa panig
naman nila ay makapaghugas ng kanilang kamay.
Ang hindi alam ng mga naghimagsik na ito laban sa
Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, ang kamandag ng simpatiya ay hindi nagtatagal.
Unti-unti rin itong naaalis sa sistema ng tao lalo na kung nabubuksan na ang isip
at kamalayan ng mga tao sa totoong pangyayari. Sa sandaling sila’y
mahimasmasan, mapapalitan ang kanilang simpatiya ng inis at galit laban sa mga
taong “nanggamit” sa kanila.
Hindi nga ba ito ang sinasabi ng iba nang marinig ang
pagkakatiwalag nina Angel at Marc? Totoong napaluha sila sapagkat ang bahagi ng
pamilya ni Ka Erdy ay natiwalag. Subalit nang mahayag ang sabwatan ng
magkapatid para ibagsak ang kanilang kuya o ang Ka Eduardo bilang
Tagapamahalang Pangkalahatan; nang makita nilang tahasang nilalapastangan ng
marami ang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sa kagagawang ito ng magkapatid
na Angel at Marc, ano ang sinabi nila pagkatapos? Sayang daw ang luha na
iniukol nila para sa magkapatid na Angel at Marc sapagkat unti-unting lumalabas
at nahahayag ang maitim na kulay at balak ng mga lumalaban sa Pamamahala na
nagtatago sa pangalang “INC Defenders” daw (gayong sila’y mga tiwalag).
Nabuksan na ang pananaw ng marami na hindi “restoration”
ang gusto ng mga ito kundi “demolition” at “demoniolition.”
Kaya marapat lamang na maging maingat ang lahat lalo na
kapag may bumangon na isang hindi kanais-nais na pangyayari. Tandaan na maaari
itong gamitin ng iba para makakuha ng simpatiya at magmungkahi ng galit o poot
laban sa Iglesia Ni Cristo. Sa halip na magpadalus-dalos ay sikapin munang
alamin ang totoo at buong pangyayari.
Bilang pagsunod sa aral na itinuro ni Apostol Juan, ang mga
kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay hindi dapat makisimpatiya sa mga dating
ministro, maytungkulin, at kaanib na lumaban sa Iglesia at natiwalag:
“Kung ang sinuman ay lumapit sa
inyo at hindi dala ang doktrinang ito [manapa’y taksil sa itinuro ni
Jesucristo]. Huwag [ninyo] siyang
tanggapin [huwag siyang kilalanin, huwag sasalubungin ni papasukin] sa
[inyong] tahanan ni sabihan siyang nawa’y magkaroon ka ng mabuting kapalaran ni
magbigay sa kaniya ng anumang pagpapalakas. Sapagkat ang sinomang naghahangad
na siya’y magtagumpay [na pinapalakas pa ang loob, at hinahangad na siya’y
pagpalain ng Diyos] ay kasangkot din sa kaniyang masamang mga gawain” (salin
mula sa 2 Juan 1:10-11 Amplified Bible).
Sa panahong ito ng ligalig na
pinagdaraan ng Iglesia, sundin natin ang ipinayo ni Apostol Pedro na maging
SOLIDO ANG ATING PANANAMPALATAYA.
“Be sober and on watch. Your
adversary, the Devil, walks about like a roaring lion, seeking someone to
swallow. Resist him, be solid in your faith, knowing
that the same sufferings are being performed by your brethren who are in the
world” (1 Peter 5:8-9, Messianic Renewed Covenant).
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are
WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.