Monday, December 14, 2015

Sagot kay Puting Agila (na may maitim na budhi) Part 01


Puting Agila: PURO PANANAKOT ASAN ANG PAG-IBIG?

Sagot: PURO KAYO PANINIRA ASAN ANG PAG-IBIG?



Puting Agila: “Sa nakalipas na pagsamba ay sobra sobrang pananakot ang hinayag ng aming ministro sa kanyang teksto ukol sa handugan sa pasalamat.”

Sagot 01: INC ka ba? Akala ko tiwalag ka na? Alam ko na. Ang tinutukoy mo ay ang pagsamba ninyo na tinawag ninyong EGM. Bakit naman nananakot mga ministro ninyo?

Sagot 02: Kung igigiit mong INC ka, tanong totoo ka bang INC? O INC na matagal nang may tisod? “Sobra sobrang pananakot?” Pananakot pa more? Hindi totoo yan. Iba ang pagbababala sa pananakot. Ang pagbababala ay udyok pa nga ng pag-ibig para huwag mapahamak ang binababalaan.



Puting Agila: Ika pa niya, kapag hindi daw nagbigay ng na-aayon sa iyong biyayang natanggap sa pasalamat na darating... ay iyong ikamamatay.

Sagot: Nakasalalay sa uri ng nakikinig ang pakahulugan dito (kung ito man ang eksaktong sinabi o interpretasyon lang ito ni Puting Agila). Kapag ang nakikinig ay mananampalataya, ituturing niya na ito ay pagmamalasakit. Kapag ang nakikinig ay matitisurin, ituturing niya itong pananakot. I therefore conclude na si Puting Agila, kung nakatala mang kaanib ay matitisurin. Mas malamang, tiwalag na siya at sumagap lang siya ng tsismis mula sa isa ring matitisurin. Take a look at this example: Ang sabi ng nanay sa anak na may trabaho: “Anak, kapag hindi ka nagbigay ng buwis ayon sa suweldo na tinanggap mo, magkakakaso ka at baka mabilanggo ka pa.” Sa anak na mapagpasakop at may respeto sa magulang, ano ang sasabihin nito sa kaniyang nanay? “Salamat inay sa paalala. Hayaan ninyo, ibibigay ko ang nararapat na buwis batay sa aking suweldo.” Sa anak na rebelde at wala ibang inisip kundi ang kasiraan ng pamilya, ano naman ang sasabihin nito? “Tinatakot ba ninyo ako inay? Nasaan ang pag-ibig ninyo sa akin?”



Puting Agila: Hindi gaya noong panahon ng Ka Erdy ang itinuturo ay pag-ibig.

Sagot: Nang-intriga ka na naman. Ang Diyos na naglagay kay Ka EraƱo G. Manalo ang siya ring Diyos na naglagay kay Ka Eduardo V. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Hanggang ngayon ay pag-ibig pa rin ang itinuturo. Itinagubilin pa nga na palaguin ang pananampalataya, pag-asa at PAG-IBIG. Kung kapatid ka talaga at masiglang sumasamba, makikita mo iyan sa harap ng kapilya. Ang pagtuturo ng leksiyon tungkol sa marapat na pagpapasalamat at paghahandog ay isa pa ngang kahayagan ng pag-ibig sapagkat ang nais ng Pamamahala ay maging karapat-dapat at katanggap-tanggap sa Kaniya ang gagawing pagpapasalamat at paghahandog ng Iglesia Ni Cristo. Lalong maigting ang pagtuturo ngayon dahil sa kagagawan ninyo. Inuudyukan ninyo ang mga kapatid na maghandog ng 1 piso gayong higit pa roon ang biyayang tinanggap nila sa Diyos at higit pa roon ang ipinasiya ng puso nila na kanilang ihandog. Inuudyukan pa ninyo ang mga kapatid na huwag munang ihandog ang haing pasasalamat sa taong ito. Ano ba ang utos na nasa Biblia? “Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:” (Awit 50:14). Hindi sinabing “Saka mo na lang ihandog sa Dios ang haing pasasalamat: at saka mo na rin tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:” Kaya ang mga kapatid sa INC ay tinuturuan ninyo sumuway sa utos. Nasaan ang inyong pag-ibig?



Puting Agila: Noon, ipapaalala sa atin na lahat ng biyayang ating natatanggap ay mula sa Ama kaya nararapat nating maipakita ang ating pagmamahal sa Kanya.

Sagot: Hanggang ngayon, ganiyan pa rin ang ipinapaalala ng Pamamahala. Wala nababago. Marahil ang nabago ay ito, noon hindi ka matitisurin, ngayon matitisurin ka na. Noon kaanib ka pa. Ngayon tiwalag ka na. Noon, may galang ka sa Pamamahala. Ngayon, wala na.



Puting Agila: Ngayon puro mga mabibigat na salita at pananakot ang kanilang binibitawan.

Sagot: Ikaw lang at ang mga kasama mong tiwalag at matitisurin ang nagsasabi niyan. Sa ganang mananampalatayang INC, ang narinig nilang binitawan ng Ministro at Manggagawa ay mga payo at babala. Uulitin ko pa ba? Sige na nga: Iba ang pagbababala sa pananakot. Ang pagbababala ay udyok pa nga ng pag-ibig para huwag mapahamak ang binababalaan.



Puting Agila: Mamamatay. Papatayin. Susugpuin. Isusumpa.. Lahat ay mga maaaring mangyari kung hindi daw ibigay ang nararapat sa pasalamat.

Sagot: Exaggerated naman ang hanay mo. Anyway, hindi ka ba sang-ayon na pinatutunayan sa Biblia na ganito ang sasapitin ng mga nagnanakaw sa Diyos. Sige nga, kung dumalo ka at nakinig sa pagsamba, paano nagagawa ng iba na pagnakawan ang Diyos gayong siya ang Makapangyarihan sa lahat? I-post mo iyan katunayang nakinig ka at nakaunawa at hindi nag-abang lang ng maipaninira sa Iglesia. Tisod ka lang kaya minasama mo ang narinig mo. O gusto mo talagang sirain ang Iglesia kaya puro paninira sa Iglesia ang nasa isip mo. Wala kang makitang mabuti na ginawa ng Pamamahala at ng mga Ministro at Manggagawa ngayon ng Iglesia kundi para sa iyo, lahat ng nanatiling tapat sa Tagapamahalang Pangkalahatan ay masama at lahat ng umurong, tumalikod, at sumama sa inyo ay mabuti. Sa halip na ang abangan mo sa leksiyon ay ang ikatitibay mo, ang inaabangan mo ay kung ano ang magagamit mo para i-post sa FB at siraan ang liderato ng INC.



Puting Agila: Ngunit papaanong ako ay magbibigay ng sagana kung aking nakikitang ginagamit sa mali ang handog na dapat ay sa kapurihan ng Ama? Ang aking handog ay nauuwi sa pinagdadausan ng kalaswaan gaya ng concert ni Katy Perry, hummer ng tatay ni Ka Lyn Ventura, condo units ng mga tuta ni JS atbp.

Sagot: Nag-akusa ka naman. O naghahanap ka lang ng dahilan para huwag kang magbigay nang sagana sapagkat talaga namang dati pa ay tisod ka at hindi ka nagbibigay nang sagana? Ang mga mananampalatayang kaanib ay nagbibigay nang sagana dahil sumusunod sila sa utos ng Diyos at marunong silang kumilala sa Diyos na nagbibigay nang sagana. Tandaan mo na ang kasaganaan ay hindi lamang sa materyal na aspeto. Ang mga INC ay tumanggap ng masaganang pagpapalang espirituwal. Kaya hindi nila sinasabi sa Diyos na “bakit ako magbibigay nang sagana” gayong nasunog ang bahay ko, apektado ako ng kalamidad o nagkasakit ako.” Matitisurin lang na gaya mo ang magsasabi noon.



Puting Agila: Wala na... Mulat na mulat na talaga ang aking mga mata sa katotohanang ang mga ministrong nagsusunud sunuran sa sanggunian ay tunay na mga makasarili at wala nang natitirang pag ibig sa kanilang puso.

Sagot: Puting agila ka na maitim ang budhi. Ang terminong sunud-sunuran sa Sanggunian ay may negative connotation at hindi kailanman matatanggap ng mga tunay na ministro at manggagawa na tapat at nananatili sa panig ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang hirap sa iyo ay kapag hindi pumanig sa inyo ay masama na at pagbibintangan mong “mga makasarili at wala nang natitirang pag ibig sa kanilang puso.” Sino naman para sa iyo ang hindi makasarili at may pag-ibig? Siyempre yung kumampi sa iyo. Good luck na lang. So, malaking restoration pala ang gagawin ninyo. Hindi lang pala Tagapamahalang Pangkalahatan at Sanggunian ang papalitan ninyo. Pati na libu-libong mga Ministro at Manggagawa na nanindigan sa panig ng Diyos, ni Cristo, ng Iglesia at Pamamahala ang kasama ninyong aalisin, para magawa ninyong i-restore ang Iglesia. Sinusuwerte kayo! Magtayo na lang kayo ng iglesia nyo para doon masunod ang gusto ninyo. Tutal may Tagapamahalang Pangkalahatan na naman kayo, hindi ba?

Puting Agila: Mulat na mulat na talaga ang aking mga mata …

Sagot: Napansin ko nga, dami mo nang eyebags. Kaka-FaceBook mo iyan. Tigilan mo na kasi paninira sa Iglesia.



Lowell Menorca: Ang Sagot

“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.