Si Lowell “BOY-et” Menorca II ay talagang mahilig magsulat
ng mga mala-telenobela na mga istorya. Sa kaniyang salaysay na nais ipatanggap
sa korte, gayon ang pagkakahanay ng kaniyang mga konklusyon at opinyon. Para sa
ano? Para makakuha ng simpatiya. Buti na lang at hindi umubra sa korte.
Sinulatan pa niya ang kaniyang misis ng isang love letter at ipina-post sa facebook. Inilahad niya ang mga karanasan niya sa malalayong
destino at pinuri ang kaniyang asawa dahil sa walang maliw na suporta nito.
Para sa ano? Para itanyag ang kaniyang sarili at para rin makakuha ng
simpatiya.
Sinulatan din niya ang kaniyang ina na si Ka Minda at doon
ay ikinuwento ang sakripisyo na pinagdaanan ng kaniyang pamilya. Ikinuwento rin
niya ang mga hirap na kaniyang naranasan mula sa pagkabata. Para sa ano? Para
itanyag muli ang kaniyang sarili at para rin makakuha ng simpatiya.
Sumulat siya ng artikulo na may kinalaman kina Marc at Angel
at doon ay nagbigay siya ng magandang patotoo para sa magkapatid, kung paano
sila manguna, magpayo at magmalasakit. Para sa ano? Para sabihing mas
karapat-dapat mamahala ang magkapatid kaysa kay Ka Eduardo? Kapag binasang muli
ang sulat niyang ito ay mararamdaman ninyo na ang nais ni BOY-et Menorca ay
itanyag ang sarili at kumuha ng simpatiya.
Alam ni BOY-et Menorca ang kamandag ng simpatiya at ito ang
gusto niyang maging kakampi para maipanalo ang kasong isinampa niya laban sa
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia at sa Sanggunian. Alam niya ang
kasaysayan ng Pilipinas na dahil sa simpatiya ay napatalsik ang dating
Presidente nito at dahil din sa simpatiya ay nailuklok ang isang bagong
Presidente. Sa mga hindi pa nakabasa nito, basahin ninyo ang aking blog na may pamagat na “Ang Kamandang ng
Simpatiya” (http://lowellmenorcasagot.blogspot.com)
At ano itong naka-post
sa FB page ni BOY-et Menorca?
PLS CONFIRM PO!!!
Bad news. Re menorca. Rumors sa C.A. Tumanggap na si ybanez
and de leon. Malaki raw. Paredes refused the middleman. Kalat na balita. The
middleman ay si gp santos. He withdrew a big amount in a bank near the c.a. At
dinala sa bahay ni justice. Pasabugin na lang sa social media.
Ipinakakalat nila ang rumors
na tumanggap daw sina Justices Elihu Ybanez at Magdangal De Leon ng malaking
suhol mula sa Iglesia Ni Cristo. Bagaman sinabi nilang ito ay rumors sa C.A. at kunwari ay nais daw
nilang ma-confirm ito, gayunman, ang
nais nila ay pasabugin ito sa Social Media.
Rumors pala at
hindi naman confirmed, bakit gusto
nila itong pasabugin sa Social Media? Para sa ano? Para sa mind conditioning at para rin makakuha ng simpatiya.
Kaya kapag bumaba na ang pasiya ng Court Of Appeals at
nagkataong ang pasiya ay pumabor sa Iglesia Ni Cristo, ano ang sasabihin ni
Lowell BOY-et Menorca II? “Kita na ninyo, sabi ko na sa inyo. Totoo ang rumor!” Pero ingat din sila kasi kapag
nakarating kina Justices Elihu Ybanez at Magdangal De Leon na sila ang
nagpapakalat ng rumor ay madaragdagan
na naman ang kaso nila kaya kunwari ay nakikiusap na “PLS CONFIRM PO!!!”
Tanong ko lang kay BOY-et Menorca, marami kang naalaalang
sulatan at bigyan ng patotoo, hindi ba? Ang kasalukuyang Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo, naalaala
mo bang padalhan ng sulat o gawan ng patotoo? Hindi ba’t sinabi mo hindi mo
nilalabanan ang Ka Eduardo? Nagbigay ka rin ba ng mabuting patotoo tungkol sa
kaniyang Pamamahala, kung paano manguna, magpayo at magmalasakit ang
Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Naisip mo bang
gumawa ng sulat upang ipahayag mo nang buong linaw na para sa iyo, ang
lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ay si Kapatid na Eduardo V. Manalo at
hindi si Marco o si Angel? O takot ka na kapag ginawa mo ito ay iwan ka ng mga
kasama mo at mawala ang simpatiya ng mga co-destroyers
mo? Akala ko ba matapang ka? Kung talagang hindi ninyo sinadya na idemanda ang
Tagapamahalang Pangkalahatan kundi nadamay lamang sila sa kasong inihain ninyo,
gumawa ka lamang ba ng sulat para humingi ng paumanhin kay Ka Eduardo tungkol
sa pangyayaring ito?
May pasulat-sulat pang itong ka-batch daw ni Lowell “BOY-et” Menorca II mula sa seksiyong Micah.
Puro magagandang patotoo kay BOY-et (malay natin kung si BOY-et lang pala ang
sumulat, kunwari lang na ka-batch niya).
Ang tanong ay para sa ano (at posted
pa sa FB ni BOY-et Menorca)?
Ang lahat ng ito ay para itanyag ni BOY-et ang kaniyang sarili
at makakuha ng simpatiya. Marami nang nakalahata nito. Kayo, hindi pa ninyo ito
nahahalata? Sa mga nakakakilala kay BOY-et mula noong siya’y estudyante pa
lang, hindi na kailangang makahalata pa sila sapagkat halata na buhat pa noon
ay ganiyan na si BOY-et Menorca. Ubod ng yabang at ito ang ginaya ng ampon
niyang kapatid na si Anthony.
Sige lang, letters pa more. Sana lang makilala agad si BOY-et Menorca ng mga
kasamahan niya para hindi na sila makisimpatiya sa kaniya at sa patung-patong
na kaso na kakaharapin niya.
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are
WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.