“Datapuwa’t sinasabi ko sa
inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa
inyo'y nagsisiusig.” (Mat. 5:44)
Ang
utos na ibigin ang mga kaaway ay hindi maaaring magpawalang-bisa sa utos na
ibigin ang pagkakapatiran. Ang totoo, kung nararapat mang gumawa ng mabuti sa
ating kapuwa, binigyang-diin ni Apostol Pablo na dapat gumawa ng mabuti lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya.
“Samantalahin
natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa
ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya” (Gal.
6:10 MB).
Kung
makita ba nating sinasaktan ng ating kaaway ang ating kapatid sa
pananampalataya ay wala na ba tayong gagawin dahil lamang sa may utos na ibigin
ang kaaway? Mas kakampihan ba natin ang nananakit sa kapatid natin dahil may
utos na ibigin ang kaaway? Paano naman ang utos na ibigin ang kapatid? Mas
matimbang ba ang utos na ibigin ang kaaway kaysa sa utos na ibigin ang kapatid?
Ang
mga tiwalag na lumaban sa Pamamahala ay sinasaktan ang ating mga kapatid at
hindi lamang mga karaniwang kapatid. Sinasaktan nila ang ating Namamahala, ang
kaniyang pangunahing kinakatulong sa Pamamahala at maging ang mga Ministro at
Manggagawa na nanindigan sa panig nila. Kakampihan ba natin ang mga tiwalag na
ito dahil lang sa may utos na ibigin ang kaaway?
Kaya
walang masama sa ginagawa ng mga tagapagtanggol ng Iglesia at Pamamahala na
pagpuna at pagtuligsa sa mga ito. Mas matimbang para sa amin ang pag-ibig sa
mga kapatid kaysa sa mga kaaway.
Ang
sabi ng iba ay nauunawaan nila na dapat talagang ipagtanggol ang Pamamahala at
ang Iglesia, ngunit magagawa naman daw ito nang mahinahon at maayos. Ano ba ang
sinasabi ng Biblia na dapat gawing pagsaway sa mga katulad ng mga tiwalag na
ito na nagkakalat ng kasinungalingan at paninira sa Iglesia?
10“Sapagka’t
may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga
sa pagtutuli, 11Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga
sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay
na kapakinabangan. 13Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang
mangapakagaling sa pananampalataya (Tito 2:9-11, 13).
Ang
utos ay sawaying may kabagsikan ang mga suwail, mapagsalita ng walang
kabuluhan, mga magdaraya, mapagsalita ng walang kabuluhan, mga magdaraya at
nagsisipanggulo sa buong sambahayan ng Diyos o Iglesia. Ang itinumbas sa
pahayag na sawayin mong may kabagsikan
sila sa iba’t ibang salin ng Biblia sa Ingles ay “reprove them harshly” (ACV),
“Speak sharp words to them” (NLV) at “confront them ruthlessly” (SENT).
Hindi
naman ito nangangahulugan na wari bagang may lisensiya na tayo na murahin ang
mga taong ito na yumuyurak sa dangal ng Iglesia at ng Pamamahala nito. Walang
gayong doktrina ang Iglesia. Nananatiling mali na murahin ng sinuman ang kahit
na sino. Subalit hindi dahil sa may ilan na maaaring natuksong magmura ay natatakpan
ng kapintasan o kasalanang ito ang kalapastanganang ginagawa ng mga tiwalag na
ito na lumaban sa Iglesia.
Ang
kalapastanganan nilang ito ay pagbabayaran nila sa araw ng paghuhukom sapagkat
tulad ng binanggit na sa unahan, sila ay “walang pagsalang lilipulin sa kanila
ring pagkalipol.”
Sa
araw ding iyon matutupad ang sinabi ni Apostol Pablo na:
19“Huwag
kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng
Dios: sapagka’t nasusulat, Akin ang
paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon” (Rom 12:19).
Lowell
Menorca: Ang Sagot
“We
didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.