“Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway,
at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig.” (Mat. 5:44)
karugtong ng Part 1
Maaaring ang itanong ng iba, “Gayunpala, bakit hindi na lang ninyo hayaan ang ginagawang paninira, paglait at pag-aglahi sa inyo? Tutal ang sabi ni Cristo ay ibigin ninyo ang inyong mga kaaway.”
Ang mahalagang tanong ay ito: wala bang kababalian o exception ang pag-ibig sa kaaway? Ang diablo o si satanas kasi ay kaaway ng mga Cristiano, iibigin ba natin siya? Ano ang utos ng mga apostol na dapat gawin sa diablo na ating kaaway?
8“Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. 9Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig” (1 Ped. 5:8-9 MB).
Maliwanag ang utos na LABANAN NATIN ANG DIABLO NA KAAWAY NATIN. Paano natin lalabanan ang diablo na kaaway natin gayong siya ay espiritu sa kalagayan? Ang diablo ay may mga pakana na dapat nating labanan at sa pakikilabang ito ay pinasusuot pa nga sa atin ang buong kasuotang pandigma ng Diyos.
11“Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo’y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo” (Efe. 6:11 ABAB).
Ano’ng silbi na isuot ang buong kasuotang pandigma ng Diyos kung lahat na lang pala ng kaaway ay iibigin natin?
Kahit noong si Cristo ay narito pa sa lupa, wala bang ginawa ang mga alagad Niya upang proteksiyunan ang kanilang kapakanan dahil lamang sa iniutos Niya sa kanila na ibigin ang kaaway?
49“Nang makita ng mga alagad ang mangyayari ay sinabi nila, “Panginoon, gagamitin na ba namin ang aming tabak? 50Kaagad tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong pari at natagpas ang kanang tainga nito. 51Sinabi ni Jesus, ‘Tama na iyan!’ Hinipo niya ang tainga ng alipin at ang sugat ay kaagad ring naghilom” (Luk. 22:49-51 BMB).
Ito ay tagpo nang dadakpin na si Jesus ng Kaniyang mga kaaway. Kapansin-pansin na sa kabila ng utos na ibigin ang kaaway, ang mga alagad ni Jesus ay may dala-dalang tabak. Para sa ano kaya ang mga tabak na ito? Panghiwa ng tinapay at pang-alis ng kaliskis ng isda? Panakot? Pansindak lamang? O para sa proteksiyon nila?
Kaya nga nang makita ng mga alagad na dadakpin na si Jesus, bilang pagmamahal at pagmamalasakit sa Kaniya, ano ang tinanong ng mga alagad Niya sa kabila na sila’y tumanggap na ng utos na ibigin ang kaaway? “Panginoon, gagamitin na ba namin ang aming tabak?” Hindi pa man din nakasasagot si Cristo ay kaagad nang tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong pari at natagpas ang kanang tainga nito. Saka pa lamang sinabi ni Cristo na ‘Tama na iyan!’
Bakit pinigilan ni Cristo na magpatuloy ang pagkilos at pagsasanggalang na ito ng mga alagad na nagmamahal at nagmamalasakit sa Kaniya? Ito ay upang matupad lamang ang nakasulat sa kasulatan na gayon ang mangyayari sa Kaniya—na Siya’y dadakpin, pahihirapan at papatayin alang-alang sa pagtubos sa Kaniyang mga hinirang (Mat. 26:51-54).
Samakatuwid, bagaman ang utos ay ibigin ang kaaway o ang mga sa atin ay hindi nagsisiibig, hindi naman nangangahulugan na lahat ng kaaway ay ating iibigin.
Wala itong iniwan sa utos ng Diyos na igalang at sundin ang magulang. Ngunit aling utos ng magulang ang dapat sundin bilang paggalang?
1“Mga anak, sundin ninyo ang Inyong magulang, alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. 2Igalang mo ang iyong ama at ina. Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako:” (Efe. 6:1-2 MB)
Dapat sundin ang alinmang utos na magulang na ayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang pagsunod sa magulang alang-alang sa Panginoon. Paano kung ang utos ng magulang ay labag o salungat na sa kalooban ng Panginoon, dahil lang ba sa utos na igalang sila at sundin ay susundin pa rin ng mga anak ang utos na ito ng magulang? Hindi. Sapagkat si Cristo rin ang nagsabi ng ganito:
37“Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin” (Mat. 10:37).
Bagaman katungkulan nating igalang at ibigin ang ating mga magulang gayunman hindi tayo dapat pumayag na mahigitan ng pag-ibig sa kanila ang pag-ibig natin kay Cristo.
May karugtong.
Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.