Tuesday, November 24, 2015

Ang Lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia sa Kasalukuyan

Sino ang Lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia sa Kasalukuyan?

Ang tanong na ito ay hindi ukol sa mga tunay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat sa ganang mga tunay na Iglesia Ni Cristo, maliwanag at walang alinlangan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan na inilagay ng Diyos sa Iglesia nang papagpahingahin Niya si Kapatid na EraƱo G. Manalo.

Ang tanong na ito ay para sa mga nagpapakilalang INC Defenders daw sila. Sino ba para sa inyo ang kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?

Maaari bang may gumawa sa inyo ng interview at tanungin ninyo silang isa-isa?

Simulan ninyo kay Marc.
Marc, sino na ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan? Si Ka Eduardo ba o ikaw?

Pagkatapos, tanungin ninyo si Angel.
Angel, sino ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan? Si Ka Eduardo ba o si Marc?

Pagkatapos isunod ninyong tanungin sina Jun Samson, Joy “Kelly Ong” Yuson, Farley De Castro, Lowell “A.E.” Menorca II, Luisito Cayabyab, Vincent Florida at ang iba pang mga “rebels and deserters,” sino ang kinikilala ninyong kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?

Huwag kayong matakot na ito’y gawin. Hindi nila kayo ititiwalag sapagkat una, wala naman daw kayong Iglesiang kinaaaniban sapagkat hindi naman daw sila nagtatag ng bagong Iglesia at ikalawa, paano’ng makapagtitiwalag ang tiwalag? At saka hindi ba ito ang gusto nila, na malaya ang sinumang makapagtanong nang hindi natatakot na matiwalag.

Bakit dapat ninyong gawin ito, kayo na mga nagpapakilalang INC Defenders daw? Para matiyak ninyo kung kanino ninyo iuukol ang inyong katapatan o loyalty at para matiyak ninyo na nagkakaisa kayo. Sabagay, wala akong alinlangan na kayo ay nagkakaisa—sa paninira sa Iglesia at sa Pamamahala at sa paghahasik ng pagkakabaha-bahagi. Ang binabanggit ko sa sinabi ko na “para matiyak ninyo na nagkakaisa kayo” ay kung iisa ang kinikilala ninyong kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia o diyan ay nagkakabaha-bahagi na kayo.

Gumawa ako ng pormularyo para makatulong. Ituwid lang ninyo kung sakaling mali ang intindi ko sa kung sino ang kinikilala ng mga ito na kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia. Isinama ko sa listahan ang iba pang nagpapakilalang “INC Defenders” daw.

PANGALAN
Sino ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?
Marc
Pakitanong na lang ninyo siya
Angel
Si Ka Eduardo (batay sa panayam sa kaniya)
Jun Samson
Si Ka Eduardo (batay sa panayam sa kaniya)
Joy “Kelly Ong” Yuson
Pakitanong na lang ninyo siya baka kasi si Angel ang isagot niya
Farley De Castro
Pakitanong na lang ninyo siya
Lowell “A.E.” Menorca
Si Ka Eduardo (batay sa post niya sa FB)
Luisito Cayabyab
Pakitanong na lang ninyo siya. Alanganin yata siya.
Vincent Florida
Pakitanong na lang ninyo siya
Lito De Luna Fruto
Pakitanong na lang ninyo siya. Alanganin din yata siya.
Rovic “Sher Lock” Canono
Pakitanong na lang ninyo siya.
Grace “Benito Affleck” Hernandez”
Si Marc
Nikki Nicanora Garcia
Si Marc (may pasumpa-sumpa pa siya ng katapatan)
Dante Daguman
Si Marc

Ito ay 13 pa lang at halatang sa kalagitnaan nila ay hindi na sila nagkakaisa. Ito ay bukod pa sa mga hindi natin tiyak kung sino ba talaga para sa kanila ang kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia. At ikaw mismo na gumawa ng panayam na ito, sino ang kinikilala mong kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia?

Sa mga ang isinagot ay si Marc, hindi ako nagtataka na atakehin ng mga taong ito si Ka Eduardo, salaulahin nila ang kaniyang larawan at paratangan siya ng kung anu-anong paninira na pawang paglapastangan sa kaniyang pagkatao, sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang karapatan. Ito ay dahil sa wala nga silang pagkakilala kay Ka Eduardo.

Ang gusto kong matawagan ng pansin ay ang mga nagsasabing INC Defenders daw sila na ang kinikilalang kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ay si Ka Eduardo. Sapagkat kung totoo sa puso ninyo na kinikilala ninyo si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang kasalukuyang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, bakit lumalaban kayo sa kaniya? Bakit nilalapastangan ninyo siya? Bakit ninyo paulit-ulit na sinasaksak ang kaniyang pagkatao?

Kung sasabihin naman ninyo na hindi ninyo ginagawa ang mga nabanggit, bakit hindi ninyo magawa na ipagsanggalang si Ka Eduardo? Akala ko ay INC Defenders kayo? Bakit pinapayagan ninyo na ang mga kasama ninyo na nagpapakilalang INC Defenders na gaya nina Grace Hernandez, Nikki Nicanora Garcia at Dante Daguman ay nilalait at sinisiraang-puri si Ka Eduardo? Bakit hinahayaan ninyo na manatili sa inyong facebook wall ang mga posts nila laban sa Pamamahala? Marami kayong panahon sa ibang bagay subalit bakit wala kahit katiting na pahayag kayo laban sa mga lumalapastangan kay Ka Eduardo? Bakit hindi ninyo sila pagsabihan at sawayin? Natatakot kayo na mabawasan ang bilang ninyo? Natatakot kayo na baka kayo-kayo ay magbistuhan? O ang usapan ninyo ay magsasanib muna kayo ng puwersa (kahit iba iba pa ang inyong paniniwala at pinaninindigan) para pabagsakin ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia at saka na kayo mag-uusap kapag nangyari na ito (na hindi talagang mangyayari kailanman).

Pati ADD at Catholic Defenders ay welcome na rin sa inyong samahan basta mapabagsak lang ang liderato ng Iglesia.

Ito ay katunayan lamang na hindi kayo talaga INC Defender kundi INC Destroyer. Hindi “restoration” ang gusto ninyo kundi “demolition” at “demoniolition.”

Sana mag-isip isip kayo na wari’y nahihikayat ng mga INC Defenders habang hindi pa huli ang lahat. Tandaan ninyo na napakabigat na kasalanan ang lumaban sa Pamamahala.

Kung kinikilala ninyo si Ka Eduardo V. Manalo ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan, tumayo tayo sa panig niya, mahalin natin siya, makipagkaisa tayo sa kaniya, ipagsanggalang natin siya at pamamagitan ng panalangin sa Diyos ay hilingin natin na hawakan siyang mahigpit ng Diyos sa panahong ito ng matinding pag-uusig at ligalig.

Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.