Friday, November 20, 2015

Restoration o Demolition?

Ang gusto ni Boyet Menorca at mga kasama niya na ito rin ang isinisigaw nila ay "restoration" ng Iglesia.

Ang tanong ko ay bakit kailangan ang “restoration”? Tumalikod ba ang Iglesia?

Hindi ba maging si Ka Erdy ay nagturo na ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw bilang organisasyon ay hindi matatalikod? At kung may pagtalikod mang maganap ay sa hanay ng mga indibiduwal na kaanib.

Sino ba ang tumalikod sa pagiging kaanib (ang iba ay sa pagiging ministro at manggagawa pa)? Hindi ba si Boyet Menorca at mga kasama niya? Sila pala ang dapat i-restore kung may pag-asa pang ma-i-restore?

Ano ang ginagawa nilang paraan para raw i-restore ang Iglesia? Sa pamamagitan ng paninirang puri at kasinungalingan na ipinalaganap nila sa social media, pinasama nila sa paningin ng publiko ang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Sanggunian at ang Iglesiang ating minamahal.


Hind restoration ang tawag doon kundi demolition. O baka “demoniolition” sapagkat napakakasangkapan sa demonio itong si Boyet Menorca at mga kasama.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.