Sunday, November 22, 2015

BOY-et's Love Letter To Seikoot-SUKA

Maraming kinilig sa sulat ni Lowell BOY-et Menorca para sa kaniyang asawa na si SEIKOOT-SUKA MENORCA. Doon ay inihayag niya ang kaniyang pagpapasalamat at pagkilala sa lahat ng pagmamahal at suporta na ibinigay niya kay BOY-et sa lahat ng panahon maging noong panahong nakadestino sila sa mga malalayong lugar.

Hindi sa tinatawaran ko ang sinseridad ng mga pangungusap ni BOY-et para sa kaniyang asawa. Kataka-taka lang kung bakit kailangan pang i-post sa Facebook ang personal na sulat sa asawa. Para ba itanyag ang kaniyang asawa o para itanyag ang kaniyang sarili? Sabagay marami na rin ang gumagawa niyan at ano nga ba naman ang pakialam ko? Baka tinutupad lang niya ang kaniyang promise kay SEIKOOT-SUKA na “I will make ligaw to you everyday.”

Anyway, napansin ko lang na may panahon pala siyang gumawa ng mahabang sulat para sa kaniyang asawa at i-post ito sa kaniyang FB account. Pero wala siyang saglit na panahong gumawa ng kahit maikling sulat para sawayin ang mga lumalapastangan sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Ipinahintulot pa niya na manatili sa FB account niya ang mga posts na ito na maaari naman niyang i-delete. Halatang-halata na pati Tagapamahalang Pangkalahatan ay nilalabanan na niya. Ganito kataba este kalaki ang pagtingin ni BOY-et sa kaniyang sarili. Pero hindi iyan ang isyu natin, naalala ko lang kasi.

Sa akala at pakiramdam ni BOY-et ay tunay na pagmamahal ang iniukol sa kaniya ni SEIKOOT-SUKA nang siya ay samahan nito hanggang sa pagdedemanda sa Sanggunian kaya hanggang sa pagkakatiwalag ay magkasama pa rin sila. Maaari sa tingin din ng marami ay tunay itong pagmamahal.

Pero sandali lang. Isipin muna natin ito. Hindi ba’t ang asawa ang nagsisilbing konsensiya ng kaniyang asawa? Ang ibig kong sabihin ay kung sakali na may naiisip at nasasabi pa lamang (hindi pa ginagawa) na mali o masama ang asawa ay hindi ba nakaagap ang asawa para ipakilala na ito ay mali. Huwag muna nating pag-usapan kung ano ang kasarian ng asawa na nag-isip at gumawa ng mali.

Alam naman siguro ninyo ang tungkol kay Job. Sa bigat ng pinagdaanan niyang pagsubok, ano ang sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa? “Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka” (Job 2:9). Ano naman ang ginawa ni Job? Sinabi ba niya sa asawa, “You truly are amazing.” Mahal na mahal mo nga ako. Alam ninyong pinagwikaan ni Job ng mabigat na salita ang kaniyang asawa. Tinawag pa niya itong hangal (sa ibang salin ay senseless, worthless, godless fool) (Job 2:10).

Sa madaling salita, hindi napadala si Job sa kung ano ang nais mangyari ng kaniyang asawa. Hindi siya nakiisa sa maling isipan o paniniwala nito.

Sabagay itong si Lowell BOY-et Menorca ay marami raw pinagdaanang pagsubok sa kaniyang mga Destino. Hindi ko naman sinasabing sinabihan siya ni SEIKOOT-SUKA ng parang ganito na kahawig ng sinabi ng asawa ni Job: “Namamalagi ka ba sa iyong tungkulin? Idemanda mo na ang Sanggunian, para matiwalag ka na.” Pero ang punto ay ito na nga ang nangyari. Kung sino man sa kanila ang naunang nag-isip na lumaban sa Pamamahala at idemanda ang Sanggunian na alam naman nilang ikatitiwalag nila, kung si BOY-et ba o si SEIKOOT-SUKA, dapat sana ay kinontra ng isa sa kanila. At kung itinuloy pa rin ng isa sa kanila, ay hindi sana nakisama ang asawa dahil lamang sa sinasabing “pagmamahal sa asawa”. Sana pinili niyang mahalin ang Diyos, si Cristo, ang Iglesia at Pamamahala nang higit sa kaniyang asawa.

Kasi ano ang epekto kung hindi nakiayon at sumama ang isa sa maling isipan at gawain ng asawa? Baka makapag-isip pa itong hindi na niya ituloy ang kaniyang binabalak sapagkat alam niyang hihiwalayan lamang siya ng kaniyang asawa kapag nagpumilit pa siya.

Ano naman ang epekto kung makiayon at sumama ang isa sa maling isipan at gawain ng asawa? Magkakaroon ito ng lakas ng loob na kahit ano pa ang mangyari, may karamay-damay siya.

Kaya ngayon, si BOY-et ay may karamay-damay. Saan? Sa kapahamakan dahil pareho na silang tiwalag. At kapag nagsimula nang litisin ang mga kaso na isinampa ng mga SCAN sa iba’t ibang lugar, may karamay-damay pa rin si BOY-et. Parang si Eba na nahikayat ang asawang si Adan na suwayin ang utos ng Diyos. Pareho silang pinalayas mula sa halamanan ng Eden. Kaya si Eba ay may karamay-damay sa pamumuhay na nasa ilalim ng sumpa ng Diyos. Sino? Ang asawa niyang si Adan.

Ang pangungunsinti ni SEIKOOT-SUKA kay BOY-et ay hindi tunay na pagmamahal kundi pagbubuyo sa kaniya sa kapahamakan. Kung talagang mahal ni SEIKOOT-SUKA si BOY-et, bubuksan nito ang isip niya na magbalik (kung tatanggapin pa siya) alang-alang sa kaligtasan niya at ng kaniyang asawa at anak.

Paano kung sabihin ng mag-asawang BOY-et at SEIKOOT-SUKA na, “sabay naming naisip na labanan ang Sanggunian kahit kami matiwalag.” Kahawig lamang ito ng ginawa ng mag-asawang Ananias at Safira.

Kaya’t sinabi sa kanya ni Pedro, “Ano’t pinagkaisahan ninyong tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Nasa pintuan na ang mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ang isusunod!” (Gawa 5:9 MB)

 Lowell Menorca: Ang Sagot
 “We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.