Wednesday, November 25, 2015

Personality-Based: Ang Iglesia O Si Lowell "BOY-et" Menorca?

Pinararatangan ni Lowell “BOY-et” Menorca II na ang INC ay bumaling mula sa pagiging Bible-based to personality-based. At ito raw ang isa sa mga dahilan kaya isinisigaw niya ang “restoration” para maibalik ito sa dating kalagayan.

Ang binanggit sa itaas ay isang lamang sa mga sandamakmak na paratang na ikinalat ni Lowell BOY-et “A.E.” Menorca II na naglalayong pasamain ang Iglesia at bigyang-katuwiran ang kaniyang ginagawa kasama ng mga kapuwa niya INC Destroyers.

Ang mahalagang tanong ay sino nga ba ang tunay na bumabaling mula sa pagiging Bible-based to personality-based? Walang iba kundi ang nagpaparatang nito sa Iglesia—si BOY-et Menorca. Alam ito ng mga kapuwa niya INC Destroyers na malimit bumisita sa kaniyang FB account.

Huwag ninyong sabihin na hindi ninyo nabasa ang isang diumano’y sulat ng isang dating ka-seksiyon ni BOY-et sa pag-aaral sa Ministeryo na hindi pa nga natin alam baka si BOY-et lang ang may gawa-gawa ng sulat na iyon itanyag ang kaniyang sarili sapagkat iyon talaga ang ugali niya noon pa at alam iyan ng kaniyang mga kamag-aral.

Ano raw si Lowell “BOY-et” Menorca ayon kay Mr. Anonymous na mula sa seksiyong Micah?

·        “If there is one man whom I would think who would stand up for what is right, and who would be bold enough to clean up the mess, I know it would be Ka Lowell, or Boyet.”
·        “…he was already a very likable and dynamic leader, always putting others welfare before himself.”
·        “He was always energetic and very positive, very jolly, and his enthusiasm was always very contagious.”
·        “the Kapatids love Ka Lowell so much, from the very youngest to the eldest brethren.”
·        “He was never selfish since then until now, and he was never afraid of any ‘tough’ situation or hardship, he adjusts well to any situation, that’s why we call him Superman then.”
·        “He really knows how to treat people well, treating everyone, people of all ages and stature.”
·        “Maybe this is the reason why he holds the record for always having the most number of new church officers everywhere he is assigned.”
·        “Bro. Lowell is undoubtedly, a kind hearted, loving and devoted Minister of the Church.”
·        “… we know deep in our hearts that he is more of a Minister than others for he never compromised with the Truth.”
O ano ang masasabi ninyo? E di wow! Ang galing! Napakahusay! Iyon ay kung ang pagbabatayan at paniniwalaan ay ang sinabi ni mamang Anonymous na mula sa Micah. 300 daw silang nagtapos, ano naman kaya ang masasabi ng 299? Baka puwedeng mag-comment ang mga ka-batch ni BOY-et? Ilan na kasi ang nakausap ko at iisa ang komento ng mga ito: ubod ng yabang niyan si BOY-et! Tulad din ng kapatid niyang ampon na si Anthony.

Narito pa ang sinasabi ng mga fans ni Lowell “BOY-et” Menorca tungkol sa kaniya.

·        Sabi ni mamang anonymous from Micah, si Superman daw siya.
·        Sabi ng iba, si Rocky Balboa.
·        May nagsasabing siya raw si David na lumalaban kay Goliath.
·        Siya raw ang modern-day Juan Bautista at Martin Lutero.
Kayo naman bilog na nga ang tao, masyado pa ninyong binibilog.

Ang tanong: nangilabot man lamang ba sa mga pahayag na ito si mamang BOY-et o kinilig? Sinaway o sinasansala man lamang ba niya ang mga nagsabi nito kahit pa-humble effect man lamang o tinanggap niya? Hinayaan nga niyang naka-post sa kaniyang page, hindi ba? Ang totoo ay ini-upload pa sa kaniyang FB ang mga photo at video na naglalayong ipakilala kung gaano raw siya kahusay magdala ng Lokal at maging sa pagsagot sa mga tanong ng mga bisita.

Bakit? Para sa ano ang mga ito, BOY-et? Akala ko ba na ayaw mo na nagiging personality-based ang Iglesia at iyon mismo ang paratang mo laban sa Pamamahala? Iyon pala, ikaw iyon! Mahilig ka sa pa-pogi. Ang gusto mo ay recognition. Kasi pansariling kapurihan ang hanap mo. 

Kaya nang madestino ka sa malayo at maramdamang wala ka na yatang kapag-a-pag-asang ma-promote at marating ang posisyon na gaya ng sa iyong ama, ayun nakipagsabwatan ka sa mga haling at sakim sa kapangyarihan na mga kapuwa mo rebelde upang magplano ng masama laban sa Pamamahala ng Iglesia.

Pero siyempre, todo tanggi ka kasi mahahalata ka at ang iyong mga kasama. Pero ang lakas ng sigaw ng nasa iyong FB account, hangad mong itaas ang iyong sarili kasi ubod ka ng yabang. At tulad ni Satanas, ang kapalaluan o kayabangan mo ang nagpahamak sa iyo.

May nagsabi pa ng “threat” ka raw sa Sanggunian kaya ayaw raw na ibigay sa iyo ang nararapat para sa iyo. Ang sagot ko ay totoong “threat” ka sa Sanggunian. Hindi lang sa Sanggunian kundi sa lahat ng mga tunay na kapatid, “threat” ka sa Pamamahala at “threat” ka sa buong Iglesia kaya ibinigay sa iyo ang nararapat sa iyo—ang ikaw ay itiwalag. 

“Threat” ka kasi lumaban ka sa Pamamahala, nakipagsabwatan ka sa mga rebelde at lumilikha ka ng pagkakampi-kampi.

Itatanong ninyo sa akin, sino ngayon si Lowell “BOY-et” Menorca II?

1 word. 5 letters. 1 punctuation mark.

J U D A S !
(Iscariote)

Lowell Menorca: Ang Sagot
“We didn’t try to BURY you, because we know that you are WEEDS.”

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.